Uyayi Lyrics Tagalog At English

UYAYI LYRICS – Sa artikulong ito ay ating awitin ang isa sa mga filipino folk songs na ginagamit sa paghehele at ito ay pinamagatang “Uyayi.” Atin itong suriin upang ating malaman kung bakit nga ba ito ginagamit sa pagpapatulog ng mga sanggol.

Uyayi Lyrics Tagalog At English
Uyayi Lyrics – Tagalog at English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Uyayi Lyrics (Tagalog Folk Song)

Matulog ka na, bunso,
Ang ina mo ay malayo

At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Uyayi.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Uyayi Lyrics English Version

Sleep now, youngest one
Your mother is far away…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting “uyayi o oyayi” ay naglalaman ng mga lirikong pampatulog. Ito ay sikat lalo na sa mga nanay dahil ito ay isang kalmadong awitin lamang.

Ang mga liriko nito ay karaniwang ginagamit sa paghehele ng mga nanay upang ang kanilang mga anak o sanggol ay makatulog ng maayos tuwing tanghali at gabi.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral na ang pagmamahal ng isang ina ay walang katumbas. Sapagkat, kanilang gagawin ang lahat upang tayo lamang ay maging komportable sa ating buhay.

    Tulad na lamang sa mga liriko ng awiting “uyayi” tayo ay kanilang hinihele noong tayo ay mga bata pa upang tayo ay agad na makatulog ng mahimbing.

    Kaya’t mahalin at pasalamatan natin ang ating mga magulang, dahil ginagawa nila ang lahat upang tayo ay mabuhay ng kompartable. At mas lalo nating pasalamatan ang ating ina sapagkat siya ang nagluwal sa atin sa mundong ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment