Unu In Hi Langan Lyrics Tagalog & English

UNU IN HI LANGAN LYRICS – Sa artikulong ito ay ating awitin at basahin ang mindanao folk song ng mga Tausugs of Sulo na pinamagatang “Unu in hi Langan.”

Nawa’y ating maintindihan ang ibig ipahiwatig na mensahe ng awiting ito sa mga tagapakinig. At upang atin itong magamit sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Unu In Hi Langan Lyrics Tagalog & English
Unu In Hi Langan Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Unu in hi langan (Mindanao Folk Song)

Unu in hi langan
Sin hidlaw kan jungjungan
Ayir bajanggang
Sukkal banding di kapasangan
Hi ula katumbangan
Bang maisa kulangan
Dayang in pagngnnan

Ang nasa itaas ay ang liriko o lyrics ng Mindanao folk song na pinamagatang “Unu in hi langan.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Unu in hi langan Tagalog Version

Ano kayang kantahin ko
[Upang mapagaan ang aking] pananabik sa aking minamahal
[Ang kanyang] walang kapantay na…

Unu in hi langan English Version

What can I sing
[To ease my] yearning for my beloved
[Her] incomparable presence
cannot be matched…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay naglalaman ng mga liriko na nagpapatungkol sa pagbibigay ng katiyakan sa isang nobya at upang aliwin ang isang kaibigan. Tinatanong sa kanta kung ano nga ba ang pwede niyang awitin upang mabawasan lamang ang kanyang dinaramdam na sobrang pananabik sa kanyang mahal.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral tungkol sa tapat na pagmamahal. Ating makikita sa mga liriko nito na kahit na siya ay sobrang nananabik na sa presensya ng kanyang mahal ay hindi pa rin ito humanap ng iba.

    Sa halip, ito ay humanap na lamang ng ibang alternatibo na solusyon. Tulad na lamang ng pag-awit upang mabawasan ang pananabik na kanyang nararamdaman.
  • Kung kayo ay may tao ng minamahal, at kapag alam niyo na nasa tamang tao na kayo ay iwasan ninyo ang pangangaliwa. Kahit na sobra na ang pananabik sa kanilang presensya na iyong nararamdam ay hindi pangangaliwa ang sagot rito.

    Kaya’t humanap ka na lamang ng ibang mapapagkaabalahan upang maaliw ang iyong sarili tulad ng mga liriko sa awitin na “Unu in hi langan.”

    Kaya’t palagi niyong tandaan na maging tapat sa inyong mga taong minamahal. Dahil kahit kailan man ay walang maidudulot na maganda ang pangangaliwa at maari lamang ito magdulot sa inyo ng kasiraan sa estado ng inyong buhay.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment