Tuwan Tu Kuwan Nahoda Lyrics Tagalog & English

TUWAN TU KUWAN NAHODA LYRICS – Sa artikulong ito ay ating tunghayan ang nilalaman na storya ng awiting bayan o folk song na “Tuwan Tu Kuwan Nahoda” na nagmula pa sa Mindanao. Ito ay naglalaman ng isang kwento tungkol sa isang trahedya sa larangan ng pag-ibig.

Nawa’y ating maintindihan ang dalang aral o mensahe ng awiting ito para sa mga tagapakinig na maari nilang magamit sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Tuwan Tu Kuwan Nahoda Lyrics Tagalog & English
Tuwan Tu Kuwan Nahoda Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Tuwan Tu Kuwan Nahoda (Mindanao Folk Song)

Tuwan ku Tuwan Nahoda
Bati’ bali’ na ba kaw
Sin pu’pu’ Tahaw
Aturan hawhaw
Tubig pangdan malihaw
Hiubat langang uhaw.

Ang nasa itaas ay ang liriko o lyrics ng Mindanao folk song na pinamagatang “Tuwan Tu Kuwan Nahoda.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Tuwan Tu Kuwan Nahoda Tagalog Version

Aking minamahal, minamahal na Nahuda
Please gumising ka na
Titingnan mo ba
Sa pulo ng Tahaw
Parang napakalayo…

Tuwan Tu Kuwan Nahoda English Version

My beloved, beloved Nahuda
Will you please wake up
Will you take a look
At the islet of Tahaw
It seems very far…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral na nagpapatungkol sa wagas na pag-ibig ng isang lalaki sa isang babae na si Nahoda kahit na wala na itong buhay.

Ating makikita sa mga liriko nito na ang lalaki ay nakikiusap sa dalaga na ito ay gumising upang matanaw nito ang napakagandang tanawin sa kanilang paligid. Kahit na alam niyang imposible na itong mangyari dahil ang kanyang minamahal ay wala na, patulog pa rin ito na nakikiusap.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting “Tuwan Tu Kuwan Nahoda” ay nagtataglay ng mensahe o aral na nagpapatungkol sa totoong pagmamahal. Makikita natin sa mga lirko nito na kahit wala ng buhay ang dalagang si Nahoda ay patuloy niya pa rin itong minamahal.

    At ating makikita na kahit impsoble na niya itong makasama ay patuloy niya pa rin itong kinakausap na gumising upang makita nito ang napakagandang tanawin sa kanilang paligid.

    Kaya’t ating matututunan sa awiting ito na ang totoong pagmamahal ay hindi nawawala ng basta-basta na lamang. Kahit na ang iyong minamahal ay sumakabilang buhay na.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment