Tubig Nga Matin-aw Lyrics Tagalog & English

TUBIG NGA MATIN-AW LYRICS – Sa artikulong ito ay ating awitin o basahin ang visayan folk song na “Tubig nga Matin-aw.” Nawa’y ating maintindihan kung ano nga ba ang nilalaman na mensahe ng awiting ito para sa ating mga tagapakinig.

Tubig nga Matin-aw
Tubig nga Matin-aw Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Tubig nga Matin-aw (Visayan Folk Song)

Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos
Gikan sa ibabaw
Kon ako cumacancion
May dalang kamingao
Adios na ti adios
Baya-an ta ikaw.

Ang nasa itaas ay ang liriko o lyrics ng Visayan folk song na pinamagatang “Tubig nga Matin-aw.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Tubig nga Matin-aw Tagalog Version

Tubig na malinaw
Umaagos paibaba
Galing sa itaas…

Tubig nga Matin-aw English Version

You are the clear water
That can irrigate this heart
For even the stone…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting “Tubig nga Matin-aw” ay naglalaman ng mga lirikong may malalalim na kahulugan. Sa unang tingin ay aakalain mo na tungkol lamang ito sa isang tubig na malinaw. Ngunit kapag ito ay iyong sinuri o inintindi ng maayos ay iyong maiintindihan na tungkol ito sa dinaramdang kalungkutan.

Makikita sa mga huling liriko nito na kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang pag-agos rin ng kanyang kalungkutan, dahil sa pinili niyang desisyon na iwan na ang kanyang mahal.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral na ang salitang kalungkutan ay palaging kaakibat ng salitang pag-ibig. Pagdating sa larangan ng pag-ibig ito ay hindi palaging masaya tulad ng inaakala ng iba.

    Tulad na lamang ng mga liriko sa awitin. Pinili niyang iwan ang kanyang mahal kahit na alam niyang magdudulot ito sa kanya ng matinding kalungkutan. Kaya’t sa larangan ng pag-ibig, minsan ay kailangan natin ang mga importanteng tao o bagay sa ating buhay upang tayo ay maging masaya.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment