Tinikling Song Lyrics Tagalog & English

TINIKLING SONG (Lyrics) – Sa artikulong ito, ating aalamin ang nilalaman ng awitin na ito, pati na rin ang aral na hatid nito. Ito ay isang awiting bayan na inihango sa tradisyunal na sayaw na tinikling.

Tinikling Song Lyrics Tagalog & English
Tinikling Song Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Tinikling Song (Tagalog Folk Song)

Tayo’y magsayaw, irog ko, ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo’t lola natin
Ang mga hakbang kung di pagbubutihin
Dalawang kawayan tayo’y iipitin

Kung magsasayaw ka giliw ng tinikling
Kumpas ng kawayan kahit mapatulin
Ang mga binti mo’y kay hirap hulihin
‘Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw

At sa tinikling na tigib ng panganib
Ang hindi maingat naiipit
Pusong maharot ganyan din sa pag-ibig
Ang nakakamit paghakbang ay ligalig

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Tinikling.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Tinikling Song (English Version)

Let’s dance, my love, a tinikling
Like the dance of our grandparents
If we will not do well in our steps
Two bamboos will squeeze us

If you dance darling with tinikling
Even though the movement of the bamboo will speed up
Your legs are hard to catch
As vague as your heart in love…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa tradisyunal na sayaw na tinatawag na tinikling na nagmula sa Spanish colonial era. Isinasaad sa awiting ito ang paghahambing ng may akda sa tinikling at pag-ibig.

Nais ipahiwatig ng may akda na kagaya ng tinikling, kapag tayo’y hindi naging maingat sa pag-ibig, tayo’y tiyak na masasaktan at maiipit.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa pag-ibig man o pagsayaw ng tinikling, kailangan na tayo’y maging maingat.

    Ang sakit na hatid ng pag-ibig ay laging nandiyan at hindi natin maiiwasan. Kaya kagaya ng pagsayaw ng tinikling, maging maingat tayo sa bawat hakbang na ating gagawin.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment