Tilibong Tilibo Lyrics Tagalog & English

TILIBONG TILIBO LYRICS – Sa artikulong ito ay ating basahin o awitin ang isa sa mga filipino folk songs sa bansa. Ito ay tungkol sa isang magsasabong na si Timbong at ito ay pinamagatang “Tilibong Tilibo.” Atin itong suriin upang ating malaman kung ano nga ba ang mensaheng ipinapahiwatig ng awitin na ito.

Tilibong Tilibo
Tilibong Tilibo Lyrics – Tagalog at English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Tilibong Tilibo Lyrics (Tagalog Folk Song)

Tilibong tilibong
si timbong nag sabong
nanalo ng piso
sumakay pa sa auto
ang auto ay kiling
ang tsuper ay duling
nabangga sa pader
nalagas ang ngipin.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Tilibong Tilibo.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Tilibong Tilibo (English Version)

Thousands of thousands
Timbong went to a cockfight
he won a peso
get in the car
the auto tilts…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay naglalaman ng mga liriko tungkol sa isang magsasabong na nagngangalang Timbong. Ayon sa mga liriko nito, si Timbong ay isang magsasabong na nanalo ng salapi.

At ng matapos itong manalo ay sumakay naman ito sa auto ngunit ito ay tumagilid dahil ang driver naman nito ay duling. At dahil sa pagkakabangga nito sa pader ay nalagas ang isang ngipin ni Timbong.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting “tilibong tilibo” ay ating matututunan na ang swerte sa buhay ng tao ay hindi palaging nakapabor. At maraming bagay ang bigla na lamang nangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng nangyari kay Timbong.

    Siya ay sinuwerte sa kanyang pagsasabong at nanalo ng salapi. Ngunit ng siya ay sumakay naman sa auto ay nabangga naman ito sa isang pader na naging dahilan ng pagkalagas ng kanyang ngipin.

    Kaya sa pangyayaring ito ay ating masasabi na ang swerte sa buhay ng tao ay hindi tuloy-tuloy at palaging may kapalit. Kung kaya’t palagi tayong maging handa sapagkat hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa ating buhay ng biglaan na lamang pagkatapos natin lasapin ang swerteng binigay sa atin.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment