Sinisinta Kita Lyrics Tagalog & English

SINISINTA KITA (Lyrics) – Ang artikulong ito ay naglalaman ng mensahe at mga aral ng awiting bayan na ito. Tiyak na mapagkukunan natin ito ng panibagong aral, kaya atin ng alamin ang nilalaman ng awiting ito.

Sinisinta Kita Lyrics Tagalog & English
Sinisinta Kita Lyrics Tagalog & English

Sinisinta Kita Lyrics (Tagalog Folk Song)

Kung ang sinta’y ulilahin
sino pa kayang tatawagin
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku kay layo sa piling

Malayo man malapit din
Pilit ko ring mararating
Huwag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw

Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi’t araw
Pag di na natatanaw
Puso ko’y nalulumbay

Sinisinta kita, di ka kumikibo,
akala mo yata, ako’y nagbibiro;
saksi ko ang langit, sampu ng kanduro,
kundi kita mahal, puputok ang puso.

Sinisinta kita ng sintang patnubay,
patnubay na sintang walang katapusan;
madurog ang bato, magbangon ang bangkay,
walang ibang sinta, kundi ikaw lamang.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Sinisinta Kita.” Ngayon ay basahin naman natin ang Ingles na bersyon nito na pinamagatang “I adore you.”

Sinisinta Kita (I adore you) English Version

If the beloved is alone
who else will they call
If not my beloved Neneng
Oh, so far from my arms

No matter how far, it is near
I will also try to reach
So, you can’t say
I don’t like you

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa isang taong pilit pinapatunayan sa kanyang minamahal na mahal niya ito at ito lang ang kanyang iniibig. Isinasaad sa kanta na kahit ano man ang mangyari ay ito lang ang kanyang sinisinta at wala ng iba pa.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Magmahal tayo ng isa lamang at maging tapat sa ating minamahal.
  • Huwag lamang tayo puro salita, ipakita’t iparamdam natin sa ating minamahal na sila’y tunay nating mahal. Ika nga, ang pagkilos ay nagsasalita nang mas malakas kaysa sa mga salita.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment