Santa Clarang Pinong Pino Lyrics Tagalog & English

SANTA CLARANG PINONG PINO (Lyrics) – Ating tunghayan at alamin ang nilalaman ng awiting bayan na ito, maging ang aral na hatid nito. Ito ay tungkol sa isang taong humihiling na sana’y siya ay bigyan ng labintatlong asawa.

Santa Clarang Pinong Pino Lyrics Tagalog & English
Santa Clarang Pinong Pino Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin o kantahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Santa Clarang Pinong Pino Lyrics (Tagalog Folk Song)

Santa Clarang pinung-pino
Ang hiling ko po ay tupdin niyo
Pagdating ko po sa Obando
Magsasayaw ako ng pandanggo

Aruray!
abarinding!
ang pangako ay tutuparin!

Santa Clarang pinong-pino,
Ako po ay bigyan mo
Ng asawang labintatlo

Sa gastos ay walang reklamo!

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Santa Clarang Pinong Pino.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Santa Clarang Pinong Pino (English Version)

Santa Clara, that’s finely refined.
Please fulfill my request.
When I arrived in Obando,
I will dance pandanggo.

Aruray!
abarinding!
The promise will be fulfilled!

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa isang taong nangako’t humiling sa Santa Clarang Pinong pino. Isinasalaysay nito na ang kanyang hiling ay sana’y tuparin.

Ano ba ang kanyang hiniling? Kanyang hiniling na sana’y siya ay bigyan ng labintatlong asawa. Sinabi pa nito na kung ang gastos ang pag-uusapan, siya’y walang reklamo dito. Base sa mga sinabi nito, tiyak na ang lalaking humihiling ay isang mayaman o may maraming pera.

Kapalit naman ng kanyang hiling, nangako ito na pagdating nito sa Obando, siya ay magsasayaw ng pandanggo.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Kapag tayo ay nangako, atin itong tuparin ng walang pag-aalinlangan.
  • Walang masama sa paghingi ng tulong at pananalangin kung tayo ay nangangailangan ng tulong.
  • Walang masama sa pagkakaroon ng maraming asawa, hangga’t kaya mong bigyan ng pantay at tamang sustento, pag-aalaga, at pagmamahal ang mga ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment