Sampung Mga Daliri Lyrics Tagalog & English

SAMPUNG MGA DALIRI (Lyrics) – Sa pahinang ito, ating alamin ang mensahe at nilalaman ng sikat na awiting pambata na ito. Tiyak na magbibigay ito sa atin ng bagong kaalaman. Basahin din natin ang Ingles na bersyon nito.

Sampung Mga Daliri Lyrics Tagalog & English
Sampung mga Daliri Lyrics Tagalog & English

Ngayon, atin nang basahin o kantahin ang liriko ng katutubong awit na ito.

Sampung mga Daliri Lyrics (Tagalog Folk Song)

Sampung mga daliri kamay at paa
dalawang mata

dalawang tainga
ilong na maganda…

Maliliit na ngipin masarap kumain
dilang maliit nagsasabi
huwag kang magsinungaling!

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Sampung mga Daliri.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Sampung mga Daliri (Ten Fingers) English Version

Ten fingers,
Hands and feet,
Two eyes,
Two ears,
Beautiful nose…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa ilang mga bahagi ng katawan ng tao. Ito ay isa ring sikat na awiting pambata sa Pilipinas na may hatid na aral para sa mga bata. Ito ay itinuturo sa mga bata upang tulungan silang matutunan ang mga pangalan ng mga bahagi ng kanilang katawan.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Huwag magsinungaling at ugaliing magsabi ng totoo.
  • Lahat ng bahagi ng ating katawan na pinagpala sa atin ng Diyos ay kapaki-pakinabang. Ginawa niya itong perpekto para sa atin. Kaya’t magpasalamat tayo kung kompleto ang lahat ng bahagi ng ating katawan dahil hindi lahat ay biniyayaan ng kompletong katawan.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment