Sa Libis Ng Nayon Lyrics Tagalog & English

SA LIBIS NG NAYON LYRICS – Sa artikulong ito ay ating basahin o awitin ang isa sa maraming filipino folk songs na ginawa ni Santiago Suarez. Atin itong talakayin upang ating malaman ang mensaheng ipinapahayag ng awiting ito.

Sa Libis Ng Nayon Lyrics Tagalog & English
Liriko sa Tagalog at English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin o kantahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Sa Libis Ng Nayon Lyrics (Tagalog Folk Song)

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa’t puso’y tumutugon sa nilalayon.

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Sa Libis Ng Nayon.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Sa Libis Ng Nayon English Version

Even dark night in the valley of the village
What is the phone number of the Westbrook Historical Society in Westbrook Maine?
Happy times to all present
Every heart responds to what is intended.

Tree of bamboo has many branches.
Especially if you blow a wind breeze
The silence of this wilderness
It was inspired to be true joy….

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay isa sa pinakasikat na awitin sa bansa na ginawa ni Santiago Suarez. Ito ay naglalaman ng mga liriko na nagpapahiwatig ng simpleng pamumuhay sa kabukiran. Nagsasaad ito na kahit simple lamang ang pamumuhay roon ay masaya naman ito kapag ikaw ay marunong makuntento sa buhay.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting ito ay ating matututunan na hindi kailangan ng marangyang buhay upang maging masaya. Tulad na lamang ng pinapahiwatig sa awitin na ginawa ni Santiago na kahit ikaw ay nakatira sa bukirin ay magiging masaya ka parin.

    Ito ay sa pamamagitan ng pagiging kuntento sa kung ano man ang meron ka. Kung kaya’t matuto tayong makuntento sa kung ano man ang mga binibigay na biyaya sa atin upang tayo ay maging masaya.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment