Pen Pen de Sarapen Lyrics Tagalog & English

PEN PEN DE SARAPEN LYRICS – Sa artikulong ito ay ating matutunghayan ang isa sa mga sikat na awiting pambata sa ating bansa. Atin itong talakayin upang ating maintindihan kung ano nga ba ang mensaheng pinapahayag ng awiting ito.

Pen Pen de Sarapen
Pen Pen de Sarapen Lyrics – Tagalog At English

Ngayon, atin ng basahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Pen Pen de Sarapen Lyrics (Tagalog Folk Song)

Pen pen de sarapen,
de kutsilyo de almasen
Haw, haw de carabao batutin

Sipit namimilipit ginto’t pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat.

Sayang pula tatlong pera
Sayang puti tatlong salati
Sawsaw sa suka mahuli taya

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatangPen Pen de Sarapen.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Pen Pen de Sarapen Lyrics English Version

Pen, pen from Sarapen,
Knife from department store
How, how the carabao*
Stinks!…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awiting pambata na ito ay naglalaman ng liriko sa isang larong pambata sa bansa. Makikita sa awiting ito na ang mga lirikong ginamit rito ay pawang hindi tugma at parang mga walang saysay.

Ngunit sa kabila niyan ay hindi maitatanggi na isa ito sa mga paboritong laruin ng mga kabataan. Dahil ito ay masayang awitin at laruin kahit na ang mga liriko nito ay pawang mga walang katuturan.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting ito ay nagbibigay sa atin ng mensahe o aral na ang kasiyahan ng mga bata ay mababaw lamang. Sapagkat hindi alintana ng mga bata ang mga liriko nito na walang katuturan dahil ang mas importante sa kanila ay masaya itong awitin at laruin.

    Kung kaya’t wag agad tayong humusga ng isang awitin ng dahil lamang sa anyong panlabas nito. Tulad na lamang ng awiting bayan na ito, hindi mo aakalain na milyon
    milyong bata pala ang napapasaya nito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment