Patayng’ Buhi Lyrics Tagalog & English

PATAYNG’ BUHI (Lyrics) – Sa artikulong ito, ating tunghayan ang awiting bayan tungkol sa pagmamahal. Alamin natin ang nilalaman at mensahe na nais nitong iparating sa mga tagapakinig.

Patayng Buhi Lyrics Tagalog & English
Patayng’ Buhi Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Patayng’ Buhi Lyrics (Visayan Folk Song)

May sugilanon nga nahisulat
Sa lapyahan sa panahon
Nahanaw daw aso
Sa paghunas sa dagat
May tunob nga handumon
Sa gugmang hikalimtan mo

Chorus:
Ako nagsunod sa imong landong
Mahimo nga hikalimtan
Sa imong pagmaya
Ako nagtamod sa imong pulong
Pahilayo ning dughan
Walay bili king luha
Palad ko unsaon man
Nga ang damgo ko mamalik pa
Niadtong lapyahan nga naghulad
Sa sugilanon
Matamis nga handumon
Ang gugma mong patay…

Ang nasa itaas ay ang Cebuano na bersyon ng Visayan folk song na pinamagatang “Patayng’ Buhi.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Patayng’ Buhi (Tagalog Version)

May kwentong naisulat
Napaglipasan na ng panahon
Nawala na parang usok
Sa pagkawala ng tubig sa dagat
May bakas ng paa na natandaan
Sa pag ibig na kinalimutan mo…

Patayng’ Buhi (English Version)

A story has been written
Time has passed
Vanished like smoke
With the loss of water in the sea
There are footprints that are remembered
With the love you’ve forgotten…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang taong namatay na. Isinaad sa kanta ang nararamdaman ng isang pusong nasaktan dahil sa pag-ibig. Ang nagsasalaysay o umaawit ng kanta ay ang taong nasaktan at pinahalagahan ang mga salita ng taong kanyang minahal ngunit nawala.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Walang masama sa pagmamahal. Huwag lamang natin mahalin ang isang tao ng sobra sobra.
  • Mahalin natin ang ating mga sarili at palagi nating piliin ang ating kapayapaan at kasiyahan.
  • Panindigan natin ang ating mga salita. Iwasang magbitaw ng mga salita na hindi natin kayang panindigan o gawin.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment