Paruparong Bukid Lyrics Tagalog & English

PARUPARONG BUKID LYRICS – Sa artikulong ito ay atin namang basahin o pwede din namang awitin ang tagalog rendition ni Felipe de León sa kantang “Mariposa Bella” na kanyang pinamagatang “Paruparong Bukid.”

Ngayon, atin na itong simulan upang maintidihan natin kung ano ang ibig sabihin ng awiting ito.

Paruparong Bukid Lyrics Tagalog & English
Tagalog & English Lyrics

Paruparong Bukid Lyrics (Tagalog Folk Song)

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa mandin — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatangParuparong Bukid.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Paruparong Bukid (English Version)

Butterfly that flutters about
It waves its wings in the middle of the road
Wearing a 9 meter-long rectangular cloth over her skirt
Sleeves, a handspan long
Her skirt that’s shaped like a grand piano
has a train that’s as long as an entire rack of cloth

She has a decorative hairpin…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awiting ito ay may mas malalim na nilalaman na hindi masyadong alam ng karamihan. Ang awit na ito ay hindi lamang tungkol sa isang paruparo na lumilipad sa bukid kundi tungkol ito sa isang babae noon na suot ang kanyang pormal na kasuotan.

Ito ay tungkol sa babaeng suot ang kanyang magarbong damit na mayroong malaking paku na tinatawag na “butterfly sleeve.” Habang siya ay naglalakad sa gitna ng simbahan upang magdasal, ang mga tao ay nakatingin sa kanya.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting ito ay nagbibigay sa atin ng mensahe o aral kung paano nga ba manamit ang mga dalagang pilipina noong unang panahon.

    Nabibigyan tayo ng kaalaman na ang pananamit ng mga dalaga noon ay balot na balot at mayroong malalaking paku sapagkat ang pagpapakita ng kilikili noon ay kalaswaan.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment