Pamaypay Ng Maynila Lyrics Tagalog & English

PAMAYPAY NG MAYNILA (Lyrics) – Ang awiting bayan na ito ay tungkol sa mensahe ng mang-aawit para sa kanyang manliligaw. Ating alamin ang nilalaman at hatid na aral ng awiting ito ng mas maintindihan natin ang liriko nito.

Pamaypay Ng Maynila Lyrics Tagalog & English
Lyrics ng Pamaypay ng Maynila sa Tagalog at English

Pamaypay ng Maynila Lyrics (Tagalog Folk Song)

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan
Ang bawa’t mga kilos sa padyak ng pamaypay
Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito’y nakatabing sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko
Nguni’t pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito’y pinamaspas na panay ang pagaspas
Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin
Subali’t pagmalaya, may ibig alamin
Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin
Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin
Bawa’t simoy ng hangin na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Pamaypay ng Maynila.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Pamaypay ng Maynila (Manila Fan) English Version

The Manila fan that I am holding
has meaning that you should learn
Every movement of the fan
tells the story of the holder’s feelings.

If it is in front of or overshadowing my face
It means there’s a chance in my heart
But when you saw my glance at you
It means your heart has a chance…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa pamaypay ng maynila at sa mga kahulugan ng bawat paggalaw nito. Ang awiting bayan na ito ay isang halimbawa ng awit ng pag-ibig. Ito ay tungkol sa mensahe ng mang-aawit na nais niyang iparating sa kanyang manliligaw.

Sinasaad sa awitin na ito na ang bawat galaw ng pamaypay ay may ibig sabihin. Ang pamaypay ay ginamit niya bilang isang instrumento upang iparating ang kanyang nararamdaman sa kanyang manliligaw.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Mahalagang ipagbigay alam natin ang ating mga kilos sa mga taong malalapit sa atin o sumusuyo sa atin upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
  • Kung hindi natin masabi ng harapan o diretso ang ating nararamdaman, may mga bagay na maaari nating gamitin bilang instrumento sa pagpapahayag ng ating damdamin.

    Subalit, mas maganda at masarap sa pakiramdam kapag ating sinasabi ng harapan at personal ang ating nararamdaman para sa taong ating minamahal.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment