O Ilaw Lyrics Tagalog & English

O ILAW LYRICS – Sa artikulong ito ay ating basahin o awitin ang filipino folk song na ginawa ni Pou Corales. Atin itong suriin upang malaman natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng awiting harana na kanyang ginawa kasama ang kanyang asawa.

O Ilaw Lyrics Tagalog & English
Tagalog & English Lyrics

O Ilaw Lyrics (Tagalog Folk Song)

O, ilaw, sa gabing madilim
Wangis mo’y bituin sa langit.
O, tanglaw, sa gabing tahimik
Larawan mo, Neneng,
nagbigay pasakit. Ay!

Gising at magbangon
sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing.
Buksan ang bintana
at ako’y dungawin
Nang mapagtanto mo
ang tunay kong pagdaing.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatangO Ilaw.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

O Ilaw Lyrics (English Version)

O, light, in the dark night
You’re like a star in the sky
O, light, in the quiet night
Your picture, Neneng,
makes one hurt. Oh!

Awake and arise
from slumber
from your sleep…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awiting “O Ilaw” na nilikha ni Pou Corales ay naglalaman ng pananaw sa parte ng lalaki sa kanyang panghaharana sa babae na kanyang iniibig. Sa awitin ay makikita ang labis na emosyon ng binata para sa dalaga habang siya ay naghaharana.

Maririnig sa awitin ang pakikiusap nito sa dalaga na gumising ito sa kanyang pagkakatulog at dungawin siya nito sa bintana upang maintindihan nito ang kanyang tunay na emosyon at nararamdaman.

Sa pinaikling salita ay naglalaman ito ng matinding emosyon ng isang binata para sa isang dalaga habang siya ay nanghaharana sa labas ng bahay ng dalaga na kanyang iniibig.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awitin ay nagbibigay sa atin ng mensahi o ideya tungkol sa paraan ng panliligaw noong unang panahon. Ito ay nagsasabi sa atin na ang panliligaw noong unang panahon ay ginawa sa pamamagitan ng paghaharana.

    Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-alay ng isang awitin ng binata sa labas ng bahay ng kanyang nililigawan habang nakadungaw sa bintana ang dalaga at nakikinig sa kanya.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment