Namamasko Lyrics Tagalog At English

NAMAMASKO LYRICS – Sa artikulong ito ay ating basahin o awitin ang isa sa mga sikat na filipino folk song sa ating bansa. Ito ay pinamagatang “Namamasko.”

Atin itong talakayin upang malaman natin kung ano nga ang nais nitong ipahiwatig sa atin. At ng malaman natin kung ano nga ba ang tradisyon na paulit-ulit na ginagawa ng mga Pilipino tuwing buwan ng disyembre.

Namamasko Lyrics - Tagalog At English
Namamasko Lyrics – Tagalog At English

Namamasko Lyrics (Tagalog Folk Song)

Sa maybahay, ang aming bati,
“Merry Christmas!” na maluwalhati
Ang pag-ibig, ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging pasko lagi!

Refrain
Ang sanhi po ng pagparito, hihingi po ng aguinaldo
Kung sakali kami’y perwisyo
Pasensya na kayo, kami’y namamasko

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatangNamamasko.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Namamasko Lyrics English Version

To our host we’d like to say,
A “Merry Christmas!” for you and me,
When Love, if it doth reign,
every day will be joyful, always!

Refrain
The reason we have come is to ask
….

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awiting ito ay isang tradisyonal na kantang tanyag sa ating bansa lalo na sa mga bata. Ito ay naglalaman ng tradisyon na ginagawa natin tuwing sasapit ang buwan ng disyembre. Nagpapakita ito na ang pag-awit at pag-aaguinaldo tuwing buwan ng disyembre ay isang normal na aktibidad lamang sa atin.

Ito ay nagpapakita na ang pagpunta sa mga bahay-bahay sa ating mga lugar at pag-awit upang mabigyan ng aguinaldo ay isang tradisyon na ating ginagawa taun-taon. Sa maikling salita, ang pamamasko ay isang gawain na nakaukit na sa utak ng bawat Pilipino at ginagawa taun-taon kapalit ng isang aguinaldo.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting ito na pinamagatang “Namamasko” ay nagbibigay sa atin ng mensahe o aral na nagpapakita sa atin ng isang tradisyon sa bansang Pilipinas. Ito ay nagbibigay ng isang ideya sa mga tao, lalo na sa mga dayuhan.

    Sa pamamagitan ng awiting ito ay nalalaman nila na tuwing sasapit ang buwan ng disyembre ay pumupunta ang mga kabataang pinoy sa mga bahay-bahay sa kanilang mga lugar. Pumupunta sila upang umawit ng kanilang mga napiling kanta kapalit ng isang aguinaldo mula sa may-ari ng bahay.
  • Sa pinaikling salita, ang awiting ito ay nagtataglay ng isa sa mga maraming tradisyon ng mga pilipino. Tradisyon na malapit sa bawat puso ng mga pilipino at iyon ay ang pag-awit at pag-aaguinaldo tuwing buwan ng disyembre.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment