Nabasag Ang Banga Lyrics Tagalog & English

NABASAG ANG BANGA (Lyrics) – Sa pahinang ito, ating matutunghayan ang nilalaman ng awiting ito, maging ang aral na nais nitong iparating sa mga tagapakinig. Ating basahin at alamin ang lahat ng ito dahil tiyak na may makukuha tayong panibagong kaalaman dito.

Nabasag Ang Banga Lyrics Tagalog & English
Nabasag ang Banga Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin o kantahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Nabasag ang Banga Lyrics (Tagalog Folk Song)

May isang dalagang nagsalok ng tubig
Kinis ng ganda nya’y hubog sa nilatik
Ano at pagkakaibig ng lumapit
ang isang binatang makisig

Wika ng dalaga’y, “Wag kang magalaw”
Tugon ng lalaki, “Ako’y kaawaan”
Sagot ng babae, “Wag kang mamwisit”
Sambot ng binata, “Ako’y umiibig.”

CHORUS:
Ano ang nangyari?
Nabasag ang banga
‘Pagkat ang lalaki ay napadupilas
Kaya’t ang babae lalo’t umiiyak
habang ang sinasabi ay
sila’y napahamak

Ang kinasapitan pagdating ng bahay
“Ano’t umiiyak?” tanong ng magulang
Sagot ng dalaga, “Ay mangyari po, Itay
ako ay tinakot ng isang aswang.

Nang sasabihin kong wag magalaw
agad niyang inagaw ang banga kong tangay
kaya nga po’t ako’y umuwing walang dalang tubig
at pati na ang baro’y napuno ng putik.”

Repeat CHORUS

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Nabasag ang Banga.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Nabasag ang Banga (The Jar broke) English Version

There was a girl who scooped water
The smoothness of her beauty is curved in “nilatik”
There’s love when
the handsome young man approached

The girl said, “Stop moving”
The man replied, “Have pity on me”
The woman answered, “Stop pestering me”
The young man said, “I’m in love.”

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa isang magandang dalagang nagsalok ng tubig at umuwing umiiyak dahil sa isang makisig na binatang naging dahilan ng pagkabasag ng kanyang banga.

Isinasaad sa kanta na ang babae ay nagsasalok ng tubig ng biglang lumapit ang binata at dahil sa paggalaw galaw nito, ito ay nadulas. At sa kanyang pagkadulas, nabasag ang banga. Matapos ang pangyayari, ang babae ay umuwing umiiyak at sinabi sa kanyang mga magulang ang nangyari.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Maging maingat tayo sa ating mga galaw, lalo na kapag may mga babasaging bagay sa ating paligid.

    Dahil kapag tayo’y hindi naging maingat, hindi lamang tayo maaaring makasira ng mga gamit na hindi atin, maaari pa tayong makaperwisyo ng iba.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment