Mituo Ako Lyrics Tagalog & English

MITUO AKO (Lyrics) – Ang awiting bayan na ito ay naglalaman ng magandang aral na tiyak na nanaisin nating matutunan. Ito ay isang magandang awitin tungkol sa pananampalataya at pagmamahal ng isang tao. Alamin natin ang nilalaman at aral na nais nitong iparating sa atin o sa mga tagapakinig.

Mituo Ako Lyrics Tagalog & English
Mituo Ako Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Mituo Ako Lyrics (Visayan Folk Song)

Mituo Ako
Ning kalibutan ikaw da gayud
Ug wa nay laing pagsimbahon ko
Imo ang gugma nga walay sukod
Nga ania ning dughan ko – ay!
Imo ang pagpangga ug pagmahal
Nga wa mabuhat gayud sa uban
Kanimo ihatag ko gayud ang tanan
Kay ikaw ra’y akong gimahal

Chorus:

Mituo ako
Nga ikaw buotan gayud
Mituo ako
Nga ikaw sulondon gayud
Kanimo ihatag ko
Ang tinuod nga gugma ko
Kay sa imong kaligdong, kaputli karon
Mituo ako . . . . . . .

Ang nasa itaas ay ang liriko ng Visayan folk song na pinamagatang “Mituo Ako.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Mituo Ako (Tagalog Version)

Naniniwala ako
Ikaw ay nasa mundong ito
At wala na akong ibang sasambahin
Ang iyong pag-ibig na walang sukat
Nandito ang puso ko – ay!
Sa iyo napa-ibig at nagmahal
Na hindi kayang gawin ng iba
Sa iyo ay ibibigay ko ang lahat
Dahil ikaw lang ang aking mahal…

Mituo Ako (English Version)

I believe
You are in this world
And I will not worship anyone else
Your love without measure
My heart is here – oh!
I fell in love with you and did love you
That no one else can do
I will give everything to you
Because I love only you…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa paniniwala, pananampalataya, at pagmamahal ng nagsasalaysay sa awitin. Base sa mga liriko nito, ating masasabi na ang kanyang hinahandugan nito ay ang Diyos. Isinaad dito na siya ay naniniwala na ang Diyos ay totoo at tunay na mabuti’t isang huwaran.

Sa awitin, kanyang isinalaysay na wala na itong ibang sasambahin kundi ang Diyos lamang at kung para sa Diyos ay ibibigay nito ang lahat, maging ang puso’t tunay nitong pagmamahal.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Pagtibayin natin ang ating pananampalataya sa Diyos, sapagkat ito ang makakapagligtas sa atin.
  • Ang pananampalataya ay bahagi na ng buhay nating mga tao, at nasa sa isang tao kung sino ang kanyang pinaniniwalaan. Ang mahalaga’y marunong tayong rumespeto sa ating kapwa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment