Magtanim Ay Masaya Lyrics Tagalog & English

MAGTANIM AY MASAYA (Lyrics) – Ating alamin ang nilalaman at hatid na aral ng awiting ito. Ito ay tungkol sa masayang pagtatanim sa bukid. Tiyak na may mapupulot na naman tayong panibagong kaalaman dito.

Magtanim Ay Masaya Lyrics Tagalog & English
Magtanim ay Masaya Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin o kantahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Magtanim ay Masaya Lyrics (Tagalog Folk Song)

Magtanim ay masaya
Lahat ay maligaya
Katawa’y masisigla
Hirap di alintana

Masaya ang magtanim
Marami ang aanihin
Halina sa bukirin
At ating pagyamanin

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Magtanim ay Masaya.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Magtanim ay Masaya (Planting is Fun) English Version

Planting is fun
Everyone is happy
Body is energetic
The difficulty does not matter…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting “Magtanim ay Masaya”?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa pagtatanim sa bukid. Isinasaad sa awiting ito na ang pagtatanim sa bukid ay masaya. Maliban sa ito’y nagbibigay kasiyahan sa mga nagtatanim, ito’y nagpapasigla din ng katawan.

Isinaad din sa awiting ito na kapag tayo ay nagtanim, tayo ay maraming aanihin. Nanghihikayat ito na tayo’y magtanim at atin itong pagyamanin.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang pagtatanim ay isang masayang gawain. Maliban sa ito’y nakakapagbigay sa atin ng pagkain sa araw-araw, nakakapagpasigla pa ito ng ating katawan.
  • Maging produktibo tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Imbes na nakaupo lang o nakahiga maghapon, bakit hindi magsaya sa pagtatanim? Masaya ka na’t masigla, meron ka pang aanihin.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment