Magtanim Ay Di Biro Lyrics Tagalog & English

MAGTANIM AY DI BIRO (Lyrics) – Sa artikulong ito ay ating basahin o awitin ang awiting bayan na ito, na ginawa ni Felipe de León. Ating tukuyin kung ano ang kanyang gusto na iparating sa mga mamamayan tungkol sa mga masisipag na pilipinong magsasaka.

Magtanim ay Di Biro Lyrics Tagalog & English
Tagalog & English Lyrics

Magtanim ay Di Biro Lyrics (Tagalog Folk Song)

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo

Bisig ko’y namamanhid
(Braso ko’y namamanhid)
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Kay pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.

Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo’y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Magtanim ay Di Biro.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Magtanim ay Di Biro (Planting is Not a Joke) English Version

|

Planting (rice) is never fun, Bent from up ’till the set of sun.
Can not stand and can not sit, can not rest for a little bit.
Planting (rice) is no fun, Bent from up ’till the set of sun.
Can not stand and can not sit, can not rest for a little bit.

Come now , come now my fellow workers.
Let us do some stretching muscles,
Let us renew our strength,
For the work tomorrow

||

My arms are numb
My waist is tired
….

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang nilalaman ng katutubong awit na ito ay ang walang sawang kasipagan ng ating mga dakilang pilipinong magsasaka. Pinapakita na ang pagtatanim ay hindi isang biro lamang sapagkat nagdudulot ito ng matinding pagod at kasakitan sa kanilang mga katawan lalo na sa kanilang likod.

Sa kabila ng sobrang kapaguran at kahirapan ang kanilang tiyaga sa patuloy na pagtatanim para sa atin ay walang katumbas. Kaya’t atin pahalagahan ang kanilang mga produkto lalo na ang bigas dahil dugo at pawis nila ang kanilang puhunan sa pagtatanim rito.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Pangunahing mensahe na binibigay sa atin ng awit na ito ay hindi biro ang pagtatanim ng palay ng ating mga dakilang magsasaka.

    Ating pahalagan ang mga bigas na ating nabibili. Huwag natin itong sayangin sapagkat ibinuhos ng ating mga magsasaka ang kanilang dugo’t pawis sa pagtatanim at pag-aani nito upang maibenta at may makain tayo.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment