Lulay Lyrics Tagalog at English

LULAY LYRICS – Ang “Lulay” ay isang filipino folk song na ginawa ni Dr. Francisco Santiago. Ating suriin at alamin kung ano nga ba ang nilalaman nito at kung ano nga ba ang mensahe na gusto nitong ipahiwatig sa mga tagapakinig o mambabasa.

Lulay Lyrics Tagalog & English
Lulay Lyrics Tagalog & English

Bago tayo pumunta sa awiting “Lulay” ay ito muna ang munting kaalaman tungkol sa awiting ito.

Ang awiting lulay ay isa sa mga kakaunting filipino folk song sa bansang pilipinas na pwedeng ilagay sa ilalim ng klasipikasyon na “national folk dance.” At ang awiting ito ay mayroong iba’t-ibang bersyon mula sa Iloilo, Mindoro, Laguna, at Leyte.

Lahat ng bersyon ng awiting Lulay ay gumagamit ng isang batayan sa himig na ginagamit. Ang unang himig nito ay lumabas sa libro ng “Bajo Los Cocoteros” o “Under the Coconut Trees?“.

Ngayon, atin na itong simulan upang maintidihan natin kung ano ang ibig sabihin o mensahe ng awiting ito.

Lulay Lyrics (Tagalog Folk Song)

Anong laking hirap kung pagka-iisipin
Ang gawang umibig sa babaeng mahinhin

Lumuluhod ka na’y
di ka pa man din pansin

Sa hirap ika’y kanyang susubukin.

Ligaya ng buhay babaeng sakdal inam
Ang halaga niya’y di matutumbasan

Kahinhinan niya’y tanging kayamanan.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na Lulay.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Lulay (English Version)

What a hardship it is to consider
The act of loving a modest woman

You may be on your knees
but she still won’t notice

She’ll test you in hardship…

Pindutin ang buton sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awiting “Lulay” ay gawa ng isa sa mga prominenteng manunulat sa ating bansa na si Dr. Francisco Santiago. Ito ay naglalaman ng kahirapan sa parte ng mga kalalakihan sa panliligaw sa mga babaeng mahinhin.

Sa awiting ito ay ipinapahayag ng binata ang kanyang hinaharap na kahirapan sa panliligaw sa babaeng kanyang iniibig sapagkat kahit siya ay lumuhod ay hindi pa rin siya nito mapapansin.

Ngunit sa kabila ng kahirapan ay sinabi pa rin ng binata na ang kahinhinan ng dalaga ay walang katumbas ng kahit ano man.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting lulay ay nagpapahiwatig sa atin na ang panliligaw sa isang babae ay hindi basta basta lamang. Lalo na noong unang panahon. Binibigyan tayo nito ng ideya na ang panliligaw ay nagdudulot ng matinding kahirapan sa parte ng mga kalalakihan.

    Sapagkat kailangan nitong gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makuha ang loob ng dalaga at mapaibig ito sa kanya. Pinapahiwatig nito na lahat ng bagay sa buhay ay kailangan munang paghirapan bago ito makamit.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment