Leron Leron Sinta Lyrics Tagalog & English

LERON LERON SINTA LYRICS – Ngayon ay atin namang basahin o awitin ang isa sa mga pinaka sikat na filipino folk song sa bansa na gawa ni Alberto Florentino na pinamagatangLeron Leron Sinta.” Ating alamin kung ano nga ba ang nangyari sa pamimitas ni Leron at Neneng.

Leron Leron Sinta
Tagalog & English Lyrics

Leron Leron Sinta Lyrics (Tagalog Folk Song)

Leron Leron Sinta
Buko ng Papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.

Halika na Neneng,
tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo,
sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y
uunda-undayog
Kumapit ka Neneng,
baka ka mahulog
.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Leron Leron Sinta.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Leron Leron Sinta (English Version)

Leron, Leron, my love,
Papaya sprouts above
Take up, take up a basket, oh!
To hold the fruit, my love,
Upon reaching the top, oh!
The branch broke
What bad luck
I’ll find someone else.

Come on now Neneng,
Let’s pick tamarind, oh!…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awit?

Ang awitin ni Alberto Florentino na ito ay isang traditional na kanta sa ating bansa na naglalaman ng representasyon sa mga nagtatrabaho sa bukid at nag-aani ng mga prutas sa ibabaw ng mga matataas na puno.

Tulad ni Neneng at Leron, ang kanilang sipag sa pamimitas sa ibabaw ng puno ay kahanga-hanga. At kahit na sila ay nabalian ng sanga ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-ani at humanap agad ng iba upang ipagpatuloy ito.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang mensaheng pinapahiwatig nito ay ang sipag at tiyaga sa pamimitas ng mga ani at pagkakaroon ng lakas ng loob sa pag-aani kahit na ito ay nasa itaas na parte ng puno.

    Kaya tayo ay laging mag-ingat, lalo na kapag ang ating pipitasing prutas ay nasa ibabaw na na parte ng puno upang maiwasan ang maaaring aksidente na maganap na magpapahamak sa ating mga sarili.

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment