Kung Nagsasayaw Kita Lyrics Tagalog & English

KUNG NAGSASAYAW KITA (Lyrics) – Ang artikulong ito ay tungkol sa pagsuyo ng isang binata sa kanyang minamahal. Isinasaad nito kung gaano siya kasaya tuwing kasama ang babaeng kanyang sinusuyo. Siya’y naghahangad at naghihintay na sana’y tanggapin na ng babae ang kanyang pag-ibig.

Kung Nagsasayaw Kita Lyrics Tagalog & English
Kung Nagsasayaw Kita Lyrics Tagalog & English

Ngayon, atin ng alamin at tuklasin ang nilalaman at hatid na aral ng awiting bayan na ito.

Kung Nagsasayaw Kita Lyrics (Tagalog Folk Song)

Kung nagsasayaw kita at umiindak
Puso ko’y sumisigla at pumipiglas
Dahil sa ikaw ang tangi kong nililiyag
At pangarap ka ng puso ko sa magdamag.

Bakit ba naman ikaw ay lumalayo
Di pa tanggapin itong pagsuyo.
Kung nagsasaya kita, dibdib ko’y kumakaba
Sana’y huwag matapos ang madlang saya

Tunay na tunay ba? Pagsuyo ko’y tunay!
Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay!
Di na magmamaliw ang naglahong araw
Araw ng pagsuyo di mapaparam.ngit
Ang pangako ng pusong umiibig

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Kung Nagsasayaw Kita.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Kung Nagsasayaw Kita (If we’re dancing) English Version

If we’re dancing
My heart is racing.
Because you are the only one I love
And my heart dreams of you overnight…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa isang taong nagsasaad ng kanyang pag-ibig para sa isang dalaga. Isinalaysay niya sa awiting ito na ang kanyang pagsuyo sa babae ay tunay at ito’y hinding hindi maglalaho habang siya ay may buhay.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Kung tunay ang ating pagmamahal at mabuti ang ating hangarin sa isang tao, kaya nating maghintay at sumuyo sa ating minamahal, gaano man katagal.
  • Ang pagpapatunay ng ating pagmamahal sa isang tao ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagsasalita, kailangan din itong sabayan ng gawa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment