KAMINGAW SA PAYAG (Song Lyrics) – Sa artikulong ito, ating tunghayan ang Bisaya na awiting bayan ni Dulce na pinamagatang “Kamingaw sa Payag.” Ito ay isa sa mga sikat na Visayan Folk Song ni Dulce. Alamin natin ang nilalaman nito at ang aral na nais nitong iparating sa atin.

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.
Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.
Ngayon, atin nang simulang basahin ang liriko ng awiting bayan na ito.
Kamingaw sa Payag Lyrics (Visayan Folk Song)
Ay… kamingaw sa payag
Kanhi atong gipuy-an
Sa duha ta ka gugma
Ay. wala naang iyang kahayag
Nga midan ag kanato
Sa gabiing tanan
Mag unsa ako kung wala na ikaw
Unsay puy an sa payag ta
Gibiyaan mo naman
Asa ko asa ko na ikaw
Pangitaa karon
Hain ka oh pinangga ko
Mag unsa ako karon wala na ikaw
Unsaypuy an sa payag ta
Gibiyaan mo naman
Asa ko asa ko na ikaw
Pangitaa karon
Hain ka oh pinagga ko
Kamingaw sa payag
Ang nasa itaas ay ang Bisaya na bersyon ng Visayan folk song na pinamagatang “Kamingaw sa Payag” ni Dulce. Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.
Kamingaw sa Payag Tagalog Version
Ay… nakakalungkot sa kubo
Dati nating tinirhan
Sa pag-ibig nating dalawaAy. nawala na ang kanyang liwanag
Na sa atin ay kumikinang
Sa buong magdamag…
Kamingaw sa Payag English Version
Oh… it’s sad in the hut
Where we used to live
With the love of both of usOh. Its light has gone
That in us shines
All night long…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.
Ano ang nilalaman ng awiting ito?
Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa isang taong nangungulila sa kanyang minamahal. Isinaad sa awitin na ang babaeng mahal ng umaawit ay iniwan na siya. Sinasabi niya na siya ay nalulungkot sa kanilang kubo, na kanilang tahanan ng sila’y magkapiling pa.
Isinaad din sa awitin na hindi nito kaya na mabuhay at tumira sa kubo nila ng hindi kasama ang kanyang mahal. Kaya, kanya itong patuloy na hinahanap hanap.
Mensahe ng Katutubong Awit
- Parte ng buhay ng tao ang masaktan. Kaya, kapag tayo ay nasaktan dahil sa pag-ibig, tanggapin natin ang sakit hanggang sa tayo ay humilom.
Ating tandaan na ang sakit na ating nararamdaman o nararanasan ay hindi lamang isang masamang pangyayari sa ating buhay. Dahil sa bawat sakit na ating nararanasan, tiyak na may aral tayong matututunan.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit
We are proud Pinoy!