Isa, Dalawa, Tatlo Lyrics Tagalog & English

ISA, DALAWA, TATLO LYRICS – Sa artikulong ito ay ating tunghayan ang isa sa mga filipino folk songs na ginawa ni Luz Morales na pinamagatang “Isa, Dalawa, Tatlo.” Atin itong talakayin upang ating maintindihan ang ibig sabihin ng awiting pambata na ito.

Isa, Dalawa, Tatlo Lyrics Tagalog & English
Isa, Dalawa, Tatlo Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Isa, Dalawa, Tatlo (Tagalog Folk Song)

Isa, dalawa, tatlo
Una-unahan tayo
Apat, lima, anim
Sa balong malalim
Pito, walo, siyam
Lakad parang langgam
Pagdating sa sampu
Ang lahat ay umupo!

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang Isa, Dalawa, Tatlo.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Isa, Dalawa, Tatlo (One, Two, Three) English Version

One, two, three,
Let’s race for first
Four, five, six,
To the deep well
Seven, eight, nine…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito na ginawa ni Luz Morales ay naglalaman ng isang direksyon tungkol sa isang larong pambata sa bansa. Ito ay isa sa mga sikat na laro sa bansa na halos lahat ng kabataan ay alam ito. Sa awiting ito ay ating makikita ang mga liriko nito na nagbibilang hanggang sa bilang sampu.

Pagdating sa huling bilang ay dapat lahat ng kalahok sa laro ay nakaupo na. Ang kalahok na hindi pa nakaupo pagdating sa huling bilang ay siyang magiging taya sa laro at maghahabol sa ibang mga kalahok na kasali sa laro na ito.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting “isa, dalawa, tatlo” ay ating matututunan na bawat laro ay may nararapat na direksyon o tuntunin na dapat sundin upang magawa ito ng maayos at walang halong daya. Dahil sa pamamagitan ng awiting ito ay ating maiintindihan na ang mga tuntunin ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay ng maayos na daloy sa isang laro.

    Tulad na lamang ng awiting ito na ginawa ni Luz Morales. Ang mga direksyon ng laro ay nasa liriko na mismo ng awitin na kanyang nilikha. At kailangan na lamang itong sundin upang magawa ng maayos ang laro na ito. Kung kaya’t sa bawat laro na ating gagawin o susubukan ay palagi nating alalahanin ang mga tuntunin nito upang ang daloy ng laro sa simula hanggang sa dulo ay maayos.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment