Banahaw Folk Song Lyrics Tagalog & English

BANAHAW LYRICS – Sa artikulong ito ay ating matutunghayan ang isa sa mga filipino folk song sa bansa na pinamagatang “Banahaw.” Atin itong suriin upang ating malaman ang mensahe o aral na tinataglay ng awiting ito.

Banahaw Folk Song Lyrics Tagalog & English
Banahaw Folk Song Lyrics Tagalog & English

Banahaw Lyrics (Tagalog Folk Song)

Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis
Sa bundok Banahaw
Ay inihahatid, ay inihahatid
Nang hanging amihan
Kaya’t yaring abang puso
Sakbibi nang madlang lumbay
Sa sandaling ito, sa sandaling ito’y
Naliligayahan.

Halina, irog ko at tayo’y magsayaw
Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay
Dini naman sa lumang kudyapi
Ikaw irog aking aawitan
Sa saliw ng hanging palay-palay
Sa bundok ng Banahaw.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Banahaw.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Banahaw Lyrics English Version

The chirping of birds, the babbling of the stream
On Mount Banahaw
Is delivered, is delivered
North wind
So be humble…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay naglalaman ng mga liriko tungkol sa bundok ng banahaw. Makikita sa mga liriko nito na kapag ikaw ay pumunta sa bundok na ito ay malilimutan mo ang mga kalungkutan na iyong nararamdaman.

Ayun sa mga nilalaman nitong liriko ay makakalimutan mo ito sa pamamagitan ng pakikinig sa mga malulumay na simoy ng hangin at sa mga maliligayang huni ng mga ibon na nag-aawit sa kapaligiran.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang awiting ito na pinamagatang “Banahaw” ay nagbibigay sa atin ng mensahe o aral na ang muling pag konekta sa kalikasan ay magbibigay sa atin ng kapayapaan kahit pansamantala lamang.

    Tulad na lamang ng ating pag alis sa siyudad at pagpunta sa mga kabundukan upang mag hiking. Kahit na ito ay nakakapagod na gawin sa huli naman ay tiyak na magbibigay ito sa atin ng pahinga na ating lubhang kinakailangan.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment