Baleleng Lyrics Tagalog At English

BALELENG (Lyrics) – Sa pahinang ito, ating talakayin ang Bisaya, Tagalog, at English na bersyon ng awiting bayan na ito. Ito ay tungkol sa kwentong pag-ibig ng isang binata para sa babaeng kanyang iniibig. Ating alamin ang nilalaman ng awiting ito, maging ang aral na hatid nito sa mga tagapakinig.

Baleleng Lyrics Tagalog At English
Baleleng Lyrics Tagalog at English

Baleleng Lyrics (Visayan Folk Song)

Mutya ka Baleling sa katahum
Timgas pa sa puti nga baybayon
Sa kasingkasing ka panganduyon
Perlas ka nga angay gyud angkonon

Tila na Baleling layo-layo
Si Tangkay Baleling pasibuto
Bangkaw-bunal Baleling matuyo
Puro kaw Baleling pamalayo

Narration:
Mutya ka Baleling sa katahum
Ikaw timgas pa kaysa puti nga baybayon
Sa kasingkasing ka panganduyon
Kay Perlas ka nga angay gyud angkonon

Kon ikaw Baleling ang mawala
Kon ikaw Baleling di ko makita
Gugma ko Baleling magahulat
Taliwala ning lawod sa mga luha…

Ang nasa itaas ay ang Bisaya na bersyon ng Visayan folk song na pinamagatang “Baleleng.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Baleleng (Tagalog Version)

Ikaw Baleling ay isang hiyas ng kagandahan
Mas makinis pa kesa sa maputing baybayin
Sa puso ika’y pinapangarap
Isa kang perlas na nararapat angkinin…

Baleleng (English Version)

You, Baleling, are a gem of beauty
Smoother than the white shore
I dream of you in my heart
You are a pearl worth owning…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa mapait na kwento ng isang binatang manliligaw na naglalarawan ng kanyang pagkabalisa sa paraang patula sa babaeng kanyang nagugustuhan.

Ayon sa aming pananaliksik, aming natuklasan na ang orihinal na kanta nito ay tungkol sa isang kwento ng isang binata na nagpapaalam sa kanyang iniibig na dalaga na tinatawag na “Leleng.”

Ang “ba” naman ay isang salita na dapat na inilalagay pagkatapos ng bawat pariralang pananong sa lokal na diayalekto. Gayunpaman, ito ay nagkamaling naidagdag sa Leleng na naging Baleleng.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang tunay na nagmamahal ay marunong maghintay. Ngunit, dapat din nating alamin ang ating halaga at alamin natin kung kailan tayo dapat na tumigil.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment