Bakya Mo, Neneng Lyrics Tagalog & English

BAKYA MO, NENENG (Lyrics) – Sa artikulong ito, ating alamin ang nilalaman at aral na hatid ng awiting bayan na ito na isinulat ni Santiago S. Suarez. Ito ay tungkol sa lalaki na umaasang hindi itapon ng kanyang minamahal ang bakya na kanyang ibinigay noong panahon.

Bakya Mo, Neneng Lyrics Tagalog & English
Bakya Mo, Neneng Lyrics Tagalog & English

Ngayon, atin ng basahin o awitin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Bakya Mo, Neneng (Tagalog Folk Song)

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta
Sa alaala’y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya mo, aking hirang?
Sa wari ko ba’y di mo kailangan
‘Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di nasilayan.
Kung inaakalang ‘yan ay munting bagay,
Huwag itapon, aking buhay,
Ang aliw ko kailan man.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog o Filipino na bersyon ng Filipino folk song na pinamagatang “Bakya Mo, Neneng.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Ingles.

Bakya Mo, Neneng (Your wooden shoes, Neneng) English Version

Your wooden shoes, Neneng, are old and faded
But there are still traces of your tears, Darling
In my memory, it came back again
The yesterday’s past that was full of happiness.

But, my dear, why one day
You didn’t use your wooden shoes, my dear?…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting ito ay tungkol sa lalaking nagtatanong sa kanyang iniirog kung bakit hindi na nito suot ang bakyang kanyang ibinigay dito noong unang panahon. Napatanong ito kung marahil ito ba’y dahil luma at kupas na.

Umaasa pa rin ang lalaki na sana’y huwag itapon ng kanyang iniibig ang bakyang kanyang ibinigay na siyang tanging nagbibigay aliw sa kanya.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Pahalagahan ang mga bagay na ibinigay sa iyo, kahit na ito ay luma na.

    Maaaring ito ay hindi na maganda sa ating paningin ngunit marahil ay napakahalaga nito at nagbibigay pa rin ng aliw sa taong nagbigay nito sa atin kapag nakita nilang suot pa rin natin ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment