Ayaw Kaw Magtangis Lyrics Tagalog & English

AYAW KAW MAGTANGIS (Song Lyrics) – Sa artikulong ito ay ating tunghayan at suriin ang awiting ito, maging ang Tagalog at English Version nito. Ito ay isang awiting tausog na pinamagatang “Ayaw Kaw Magtangis.”

Nawa’y sa pagsusuring ito ay ating maintindihan ang mensahe o aral ng awiting ito na pwede nating magamit sa ating buhay.

Ayaw Kaw Magtangis Lyrics Tagalog & English
Ayaw Kaw Magtangis Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Ayaw Kaw Magtangis (Mindanao Folk Song)

Ayaw kaw magtangis
Kaugun in luha mo
Pahiri sin panyu’
Supaya makawa
Misan kaw mangasubu
Bukun da dusa ko
Dusa sin baran mo
Binin mo ako.

Timpu nakauna
Pialangga’ mo ako
Buling ha bayhu’ ko
Taptap piahiran mo
Misan ako natug
Yahabulan mo ako
Mabuga’ kaw dalling
Matay ako.

Ang nasa itaas ay ang liriko o lyrics ng Mindanao folk song na pinamagatang “Ayaw Kaw Magtangis.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Ayaw Kaw Magtangis (Tagalog Version)

Huwag kang umiyak
Dalhin ang iyong mga luha
Hugasan ang iyong mukha
Para magawa
Gaano ka kalungkot?
patawad
Naghihirap ang kaibigan mo
Tingnan mo ako…

Ayaw Kaw Magtangis (English Version)

Do not Cry
Bring your tears
Wash your face
To do it
How sad are you?
sorry
Your friend is suffering
Look at me.
..

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay naglalaman ng mga liriko na nagpapatungkol sa pagmamakaawa ng isang lalaki sa isang babae. Makikita sa mga liriko nito na ang isang lalaki ay nagmamakaawa sa isang babae na huwag ng magpatuloy sa pag-iyak.

Sapagkat sa tuwing nakikita niya sa mga mata ng babae ang pagtulo ng mga luha nito ay nasasaktan ang kanyang damdamin at nawawasak ang kanyang puso.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral na ang makita ang ating mga mahal sa buhay na nasasaktan ay nakakadurog ng puso. Tulad na lamang ng mga liriko sa awiting “Ayaw Kaw Magtangis.”

    Ating makikita na sobra siyang nasasaktan sapagkat nakita niya ang kanyang taong mahal na umiiyak sa kanyang harapan.

    Kaya’t sa ating buhay ay iwasan nating makasakit lalo na sa ating mga mahal sa buhay. Dahil kapag ating nasaktan ang kanilang damdamin at sila’y umiyak ay maari lamang natin itong pagsisisihan sa huli.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment