ANG PIPIT LYRICS – Sa artikulong ito ay ating tunghayan ang isa sa mga sikat na filipino folk songs na pinamagatang “Ang Pipit.” Atin itong talakayin upang mas maintindihan natin kung ano nga ba ang nilalaman na mensahe ng awiting ito.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.
Ang Pipit Lyrics (Tagalog Folk Song)
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,
“Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak.”
Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Ang Pipit.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.
Ang Pipit English Version
Someone stoned a Pipit in a branch of wood
And the stone hit the wing of the tiny bird
Because of the pain, it can no longer fly
And it fell like a person saying…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.
Ano ang nilalaman ng awiting ito?
Ito ay naglalaman ng isang kwento tungkol sa isang pipit na nasangkot sa isang disgrasya. Sa awiting ito ay makikita na nasaktan ng lubha ang pakpak nito dahil sa batong inihagis sa kanya ng isang lalaki habang siya ay nasa itaas ng sanga.
At parang tao ay napasabi na lamang ang inang pipit sa lalaki na kapag siya ay namatay roon ay may isang pipit na iiyak.
Mensahe ng Katutubong Awit
- Sa awiting ito ay ating makukuha ang mensahe o aral na iwasan natin ang pananakit sa mga hayop ng walang dahilan. Sapagkat tulad natin ay may mga pamilya rin sila na naghihintay sa kanila na bumalik.
Tulad na lamang ng nangyari sa inang pipit sa awitin. Hindi man lang inisip ng lalaki na mayroon ring pamilya ang pipit at basta na lamang ito binato sa pakpak.
Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!
Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit
We are proud Pinoy!