Ang Gatas At Itlog Lyrics Tagalog & English

ANG GATAS AT ITLOG LYRICS – Ating awitin ang isa sa mga sikat na filipino folk song sa bansa tuwing buwan ng nutrisyon at ito ay pinamagatang “Ang Gatas At Itlog” ni Luz Morales. Nawa’y ating maintindihan kung bakit nga ba ito sikat sa mga paaralan tuwing sasapit ang buwan ng marso.

Ang Gatas at Itlog Lyrics Tagalog & English
Ang Gatas at Itlog Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Ang Gatas At Itlog Lyrics (Tagalog Folk Song)

Alagaan mo ang manok
Bibigyan ka ng itlog.

Ang gatas at ang itlog
Ay pagkaing pampalusog.
Ang saging at papaya
Ay pagkaing pampaganda.

Ikaw’y uminom ng gatas
At kumain ka ng itlog.
Hindi magtatagal
At ikaw’y bibilog.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Ang Gatas At Itlog.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Ang Gatas At Itlog (The Milk And Eggs) Lyrics English Version

Take good care of the hen
It’ll give you eggs.

Milk and eggs
Are healthy foods.
Bananas and papayas
Will make you pretty…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay tungkol sa isang laro. Sa ingles naman ay tinatawag itong finger play. Ngunit sa panahon ngayon, ito ay isa ng sikat na tula na binibigkas ng mga kabataan sa paaralan tuwing buwan ng Marso.

Sikat ito sapagkat ang mga liriko nito ay tungkol sa mga masustansyang pagkain. At ito ay naaangkop sa layunin na itinataguyod tuwing sasapit ang buwan ng Marso o mas kilala bilang buwan ng nutrisyon sa buong mundo.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang mensaheng ating makukuha sa awiting ito ay “ang pagkain ng mga masustansyang pagkain ay nakakatulong upang tayo ay lumaki ng malusog.” Tulad na lamang ng sinabi sa liriko ng awiting ito na ang pagkain ng saging at papaya ay nagpapaganda sa iyo at sa iyong kutis.

    Kung kaya’t ating ugaliin ang pagkain ng mga masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas, matanda kaman o bata, para magkaroon ng maganda at malusog na katawan at upang sakit ay maiwasan.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment