Alaala Kita Sa Pagtulog Lyrics Tagalog & English

ALAALA KITA SA PAGTULOG LYRICS – Ating talakayin ang isa sa mga filipino folk songs na ginawa pa noong 1960’s na pinamagatang “Alaala Kita sa Pagtulog.” Suriin natin ito ng mabuti upang ating maintindihan ang mensahe na gustong iparating sa atin ng awiting ito.

Alaala Kita Sa Pagtulog Lyrics Tagalog & English
Alaala Kita Sa Pagtulog Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon ay atin nang basahin ang nilalaman ng awiting bayan na ito.

Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics (Tagalog Folk Song)

Akala mo yata kita’y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog
Ang inuunan ko luhang umaagos
Ang binabanig ko ay sama ng loob.

Di ka na nahabag, di ka na naawa.
Lusak na ang lupa sa patak ng luha.
Buksan mo na neneng ang munting bintana
At ako’y dungawin nagmamakaawa.

Ang nasa itaas ay ang Tagalog/Filipino na bersyon ng Filipino Folk Song na pinamagatang “Alaala Kita sa Pagtulog.” Ngayon ay atin naman itong isalin sa Ingles.

Alaala Kita sa Pagtulog Lyrics English Version

I guess you thought I was forgetting you
I remember you when I sleep at night
Tears flowed from my pillow
What I’m feeling is resentment.

You are no longer compassionate,
you are no longer pitied.
The ground is covered in tears…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang awiting ito ay naglalaman ng mga liriko na nagpapahiwatig ng matinding pagmamahal ng binata sa isang dalaga. Ayon sa mga liriko nito, ang binata ay masasabing nanliligaw sa dalaga ngunit ito ay nabigo.

Makikita na ang binata ay labis na nasaktan at umiiyak tuwing sasapit ang gabi. Sapagkat hindi niya malimutan ang dalaga kahit sa kanyang pagtulog.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Ang mensahe sa awiting ito ay “ang pagmamahal mo para sa isang tao ay hindi basta-basta lamang mawawala lalo na kapag ito ay totoo.”

    Atin ring matututunan na ang larangan ng pag-ibig ay isang sugal. Dahil hindi mo alam kung ikaw nga ba ay may pag-asa sa taong iyong iniibig o kung pareho nga ba kayo ng dinarama. Kaya sa huli ikaw ay pwedeng magtagumpay at pwede ka ring mabigo.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment