Ahay Tuburan Lyrics Tagalog & English

AHAY TUBURAN (Song Lyrics) – Basahin o awitin natin ang awiting bayan na ito sa iba’t-ibang wika, sa Bisaya, Tagalog, at English. Alamin na rin natin ang nilalaman at mensahe na nais nitong iparating sa atin o sa mga tagapakinig.

Ahay Tuburan Lyrics Tagalog & English
Ahay Tuburan Lyrics Tagalog & English

Bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang folk songs.

Ang folk songs o mga awiting bayan ay tumutukoy sa mga awit na nagmula sa tradisyunal na kulturang popular o isinulat sa gayong istilo. O maaari nating sabihin na ang mga katutubong awit ay mga tradisyonal na awit mula sa isang partikular na rehiyon.

Ngayon, atin nang simulang basahin ang liriko ng awiting bayan na ito.

Ahay Tuburan Lyrics (Visayan Folk Song)

Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos
Gikan sa ibabaw
Kon ako cumacancion
May dalang kamingao
Adios na ti adios
Baya-an ta ikaw.

Ang nasa itaas ay ang liriko o song lyrics ng Bisaya na bersyon ng Visayan folk song na pinamagatang “Ahay Tuburan.” Ngayon ay isalin na natin ito sa Tagalog at Ingles.

Ahay Tuburan (Tagalog Version)

Tubig na malinaw
Umaagos paibaba
Galing sa itaas.
Kung ako ay umaawit…

Ahay Tuburan (English Version)

Clear water
Flowing down
From above.
If I am singing…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong liriko ng Tagalog at Ingles na bersyon ng awiting bayan na ito.

Ano ang nilalaman ng awiting ito?

Ang nilalaman ng awiting “Ahay Tuburan” ay tungkol sa nararamdaman ng umaawit. Inilalarawan sa awiting ito na siya ay malungkot dahil iiwan nito sa matagal na panahon ang kanilang tahanan upang ituloy ang isang buhay ng pagsasarili.

Dagdag pa riyan, ang awiting ito ay isang mapanglaw na awitin na inihalintulad sa isang dumadaloy na batis.

Mensahe ng Katutubong Awit

  • Sa buhay, kailangan nating matuto na maging independiente dahil hindi sa lahat ng oras ay nariyan ang ating mga magulang upang tayo ay tulungan.
  • Matuto tayong tumayo sa ating sariling mga paa dahil dadating at dadating ang panahon na kailangan nating gumawa ng isang desisyon na tayo lamang ang makakagawa.

Maraming salamat sa pagbasa ng artikulo na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutan na ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Para sa iba pang mga paksang pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website!

Iba pang Halimbawa ng Katutubong Awit

We are proud Pinoy!

Leave a Comment