ULOD – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Davao sa Mindanao na pinamagatang “Ulod.” Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epikong Ulod.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Ulod epiko ng Davao sakop ng Mindanao, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang epiko ng mga Davao na pinamagatang Ulod.
Buong Pagsusuri ng Ulod Epiko ng Mindanao

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang ulod halimbawa ng epiko ng Davao sakop ng Mindanao. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Summary o Buod ng Ulod
Ang Ulod ang epikong-bayan at pangalan ng bayani sa epikong-bayan ng mga Matigsalug, ang isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa hilagang kanluran ng Davao. Sa mga Matigsalug, tinatawag na ad-ulahing ang pag-awit ng epikong-bayan.
Tulad ng Tuwaang, ang epikong-bayan ng mga Manobo, binubuo rin ang Ulod ng ilang awitin, at karaniwang inaawit upang maging libangan tuwing may libing at kasal, at isinasagawa rin bilang ritwal ng pagpapasalamat para sa masaganang ani o tagumpay na pangangaso.
Narito ang buod ng Epikong Ulod.
Ulod (Buod ng Ulod – Epiko ng Davao)
Nagsisimula ang epikong-bayang ito sa pagsusugo sa dalaga ng Bundok Misimalun upang magtanim ng palay. Dala ng hangin, agad na dumating ang bayaning si Ulod upang tumulong sa pagtatanim.
Pag-uwi, natuklasan ni Ulod na ang kapatid niyang babae’y tinangay ng binata mula sa Buttalakkan. Agad sumugod si Ulod at hinamon ang binata. Napatay ang binata at natagpuan ni Ulod ang kapatid na sira ang damit.
Ginawa niyang suklay ang kapatid at inilagay sa kaniyang buhok. Nakita ni Ulod ang kapatid na babae ng binata at inilagay niya ito sa palawit ng kuwintas niya bago siya umuwi.
Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw niya ang Dalaga ng Bundok Misimalun na nagtanong sa kaniya kung bakit siya napadalaw. Naglakbay si Ulod nang gabing iyon at napaisip naman ang Dalaga na kailangan na niyang ibigay ang sarili sa bayani…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Ulod.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng Ulod epiko ng Davao, tiyak na naintindihan na ninyo ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.
Ang teksto ng Ulod ay binigkas ni Abbiyuk Ansavon sa tahanan ni Datu Duyan sa Lumut noong 1956. Isinaayos ito sa 416 na linya ni Sadani Pagayaw, at upang awitin ito’y binibigkas ng Matigsalug ang ad-indakko: Ulahing.
Author o May-akda ng Ulod
Ang epiko ay isang sinaunang uri ng epiko at batay sa aking pagsasaliksik wala itong tiyak na author o may-akda. Ito ay lumipas lamang sa mga henerasyon hanggang sa isa pang henerasyon.
Characters o Tauhan ng Ulod
Time needed: 1 minute.
Narito ang mga characters o tauhan ng Ulod epiko ng Mindanao
- Ulod
Si ulod ang pangunahing tauhan sa epiko at kinikilalang bayani ng Bundok Misimalun
- Dalaga ng bundok Misimalun
Siya ang babaeng ipinadala upang magtanim ng palay sa Bundok Misimalun at ang babaeng nagustuhan ng bayani.
- Binata sa Buttalakkan
Siya ang binatang tumangay sa babaeng kapatid ng bayani at sa huli siya ay namatay.
- Kapatid na babae ni Ulod
Siya ang babaeng tinangay ng binata sa Buttalakan at natagpuan ng kanyang kaptid na sira na ang damit.
Plot o Banghay ng Ulod
Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Sa Bundok ng Misimalun ay may pinadalang babae upang magtanim ng palay at agad namang tumutulong ang bayaning si Ulod sa pagtatanim. Subalit sa kanyang pag-uwi ay kanyang natuklasan na ang kanyang kapatid na babae ay tinangay ng binata mula sa Buttalakkan.
- Agad namang gumawa ng paraan ang bayani upang makuha ang kanyang kapatid. Napatay niya ang binata at kanyang natagpuan ang kanyang kapatid na babae na sira na ang damit.
- Ang kanyang kapatid ay ginawang suklay at inilagay sa kanyang buhok ang binata naman ay inilagay niya sa kalawit ng kanyang kwentas.
- Pagkalipas ng ilang araw ay dumalaw ang bayani sa dalaga ng Bundok Misimalun at tinanong siya nito kung bakit siya dumalaw? Nagpatuloy sa paglalakbay ang bayani, samantala ang ang dalaga ay naiwang nag-iisip kung kailan niya ibibigay ang sarili sa bayani.
- Ang dalaga ay inuwi ng bayani at tinipon ang kanyang mga sakop at tinanong kung sasamahan siya ng mga ito sa langit. Ang lahat ay sumang-ayon sa kanya dahil magtatatag siya ng limang nasasakupan sa lupain ng Katulussan. Sa ilang sandali ay pumanaog na ang sasakyang panghimpapawid at ang lahat ay sumakay.
Setting o Tagpuan ng Ulod
Narito ang tagpuan o setting sa epiko.
- Ang epikong ito ay nanggaling sa Mindanao sa lalawigan ng Davao.
- Sa bundok ng Misimalun, dito ipinadala ang dalaga upang magtanim ng palay at kasamang magtanim ang bayani.
- Sa lupain ng Katulussan, dito magtatatag ng limang nasasakupan ang bayani kasama ang kanyang mga kamag-anak at nasasakupan.
Konklusyon
Ang epikong ito ay isang magandang epiko sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na su Ulod.
Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ulod (Epiko ng Davao) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.