ULAHINGAN – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Cotabato na pinamagatang “Ulahingan”. Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epikong Ulahingan.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Ulahingan epiko, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Isang magandang halimbawa nito ang “Ulahingan.”
Buong Pagsusuri ng Epikong Ulahingan

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang halimbawa ng epiko ng Cotabato na pinamagatang “Ulahingan.” Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Ulahingan Epic Story Summary o Buod sa Tagalog
Ang epikong ito ay nagmula sa Cotabato na sakop ng Mindanao, ang pangunahing tauhan ng epiko ay si Agyu na siya rin ang pangunahing bayani sa epikong Olaging. Ang epikong Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan na nakatuon sa buhay ni Agyu at kaniyang mga angkan.
Dagdag pa rito, ang Ulahingan ay isang lokal na termino na tumutukoy sa isang koleksyon ng mga kuwento na ginawa sa pamamagitan ng mga awit.
Narito na ang buod o summary ng nasabing Ulahingan epic story summary Tagalog
Ulahingan (Buod ng Ulahingan – Epiko ng Cotabato)
Ang Nalandangan ay ang huling pangalan ng isang sinaunang kuta ng lungsod na tinatawag sa iba’t ibang pangalan, kasama ng mga ito: Yendang, Manengneng, Libalan, at Newili-an. Ang isang piniling tao, na minamahal ng Kataas-taasang Diyos ng kalangitan, ay naninirahan sa kuta na lungsod. Sila ay nanggaling sa Aruman, sa pamamagitan ng pagsakay sa isang malaking barko.
Itinayo ng mga tao ang lungsod, isang malaking istraktura sa tabi ng dalampasigan sa bukana ng isang ilog, gamit ang mga puno bilang mga haligi. Ang mga puno ay napakalaki kaya walong lalaki ang kailangan upang magkabit ng mga kamay sa bawat isa.
Ang mga sinag ay nakaturo sa silangan, ang kanilang mga dulo ay nilagyan ng mga estatwa ng mga reptilya na inukit na nakabuka ang kanilang mga bibig, nakalabas ang mga ngiping tulad ng punyal…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Ulahingan.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng Ulahingan, tiyak na naintindihan na natin ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.
Ang Ulahingan ay epikong-bayan o bendingan ng mga Livunganen-Arumanen Manobo na naninirahan malapit sa Ilog Libungan sa Hilagang Cotabato, Mindanao. Ayon sa pinoywritings, itinuturing itong pinakamahabang epikong-bayan sa buong Filipinas.
Ang ulahing o pag-awit ay maaaring abutin nang mahigit sa dalawang linggo. Isinasalaysay rito ang pakikipagsapalaran ng bayaning si Agyu at ng kaniyang mamamayan sa daigdig at paraisong tinatawag na Nelendangan.
Ulahingan Author o May-akda
Ang author o may-akda ng epikong ulahingan ay si Elena G. Maquiso.
Itinala ito ni Elena G. Maquiso ng Silliman University mula sa salaysay ng magkapatid na Langkan at Santiago Abud at nairekord ni Samoan Bangcas sa Barongis, Libungan noong 1963.
Si Elena G. Maquiso (1914–1995) ay isang mahusay na manunulat ng himno, musikero ng simbahan ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at isang propesor sa Christian Education sa SU Divinity School. Pinamunuan niya ang paggawa ng Alawiton sa Pagtoo (Mga Himno ng Pananampalataya) na inilathala noong 1974, isang Cebuano hymnal para sa mga kongregasyon ng Visayas at Mindanao.
Ulahingan Characters o Tauhan
Time needed: 1 minute.
Narito ang mga characters o tauhan sa epikong Ulahingan
- Agyu
Si Agyu ang pangunahing tauhan sa kwento at kinikilalang bayani ng kanyang nasasakupan. Siya rin ang tumatayong pinuno ng kanilang pamilya.
- Kuyasu
Si Kuyasu ang pamangkin ni Agyu.
- Banlak/Vanlak
Si Banlak o Vanlak ang nakakabatang kapatid ni Agyu
- Lena/Lono
Kapatid ni Agyu na nagkumbento ng mga tao sa isang pagtitipon habang si Agyu ay natutulog nang ilang araw.
- Nebeyew
Si Nebeyew ay anak na lalaki ni Agyu. Ito ay handang lumaban kagaya ng kanyang ama.
- Pigyugung o Pemulew
Siya ang nakakatandang kapatid ni Agyu.
Ulahingan Plot o Banghay
Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon sa isang sinaunang kuta ng lungsod ng Nalandagan na tinatawag din na Yendang, Manengneng, Libalan, at Newili-an ay may piniling manirahan na na minamahal ng Kataas-taasang Diyos ng kalangitan.
- Itinatag ang lungsod sa isang malaking istraktura sa tabi ng dalampasigan sa bukana ng isang ilog, ang istrucktura ay sadyang napakalaki. Ang malaking palasyo ay mayroon ding patyo na pilak at palaruan ng salamin. Isang bundok ng nawasak na mga kalasag at balute, mga sibat, at mga bunot na puno, na mga laylayan sa isang larangan ng digmaan.
- Ang bawat isa sa bawat mandirigma ay nakataga sa isang kuta. Ang kuta ni Agyu ay gawa sa bakal at bakal. Ang kuta na ito ay espesyal na pinagkalooban ng isang takip kung saan ang walo o sampung lalaki ay maaaring magsagawa ng “sa-ul”. Ang mga manlulupig ay umabot nang hindi mas malayo sa pagbubukas ng kuta.
- Pagkatapos ng mahabang panahon na puno ng kapayapaan. Isa na namang digmaan ang magaganap sa kuta ni Agyu. Panahon upang ang mga tao ay sasabak sa digmaan.
- Isang araw ay nagtipon-tipon ang mga tao sa palasyo. Ang kapatid ni Agyu na si Lena/Lono ay nagkumbento ng mga tao sa isang pagtitipon habang si Agyu ay natutulog nang ilang araw. Nang magising si ito ay humiling siya sa kanyang asawa sa isang lalagyan ng tubig na panghugas ng mukha.
- Binibigkas ni Agyu ang kanyang nagbabadyang panaginip tungkol sa kadiliman at pagkawasak ng Nalandangan. Nanaginip siya na ang mga puno ng matibay na kahoy ay nabunot at itinapon sa malalayong lugar, at ang mga bangin ng dagat ay naging alikabok.
- Ang nakakatandang kapatid ni Agyu na si Pigyugung o Pemulew ay nanaginip din na may darating na mga mananakop.
- Nag-alay ng panalangin si Agyu dahil sa tingin niya ay pinabayaan na siya ng diyosa ng tadhana at ang kanyang mga tao. Bigla na lamang Kumulog. Sa sandaling iyon, narating ng mga mananakop ang kuta.
- Hindi nagtagal ay naganap ang digmaaan. Nakikipaglaban si Agyu sa mga mananakop na nahuhulog na parang prutas mula sa puno. Itinaas niya ang kanyang braso, at mula rito ay nagmumula ang isang apoy na nagliliwanag sa lugar, na nagpapakita na ang “kadiliman” ay naging sanhi ng isang mahiwagang pamalo upang hindi paganahin o lamunin ang marami sa mga tagasunod ni Agyu.
Ulahingan Setting o Tagpuan
Narito ang tagpuan o setting sa epiko.
- Ang epikong ito ay nagmula sa Cotabato sakop ng Mindanao.
- Sa isang sinaunang kuta ng lungsod na tinawag na Nalandagan kung saan nanirahan ang piniling tao ng Kataas-taasang Diyos ng kalangitan.
- Sa Aruman nanggaling ang piniling tao na manirahan sa kuta ng lungsod Nalandangan.
Konklusyon
Aming kinalap ang ulahingan summary o buod, author, characters, plot and setting upang mas madali ninyong maintindihan ang epiko. Ang Ulahingan ay isang magandang epiko sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Agyu at kanyang mga angkan at kasamahan.
Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ulahingan (Epiko ng Cotabato) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.