TUWAANG – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Bagobo sa Mindanao na pinamagatang “Tuwaang”. Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epiko ni tuwaang.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Tuwaang epiko ng mga Bagobo sa Mindanao, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Tuwaang epiko.
Buong Pagsusuri ng Tuwaang Epiko ng mga Bagobo

Summary o Buod ng Epikong Tuwaang
Ang epikong Tuwaang ay isang epikong-bayan ng mga Bagobo sa Mindanao. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng bayaning si Tuwaang.
Narito ang buod ng Epikong Tuwaang:
Tuwaang (Buod ng Tuwaang – Epiko ng Bagobo)
Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan.
Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang.
Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo.
Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito’y humingi siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya’y nagmamadali.
Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy.
Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman.
Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at sila’y ngumanga.
Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin.
Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Tuwaang.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng Tuwaang epiko ng mga Bagobo, tiyak na naintindihan na ninyo ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.
Author o May-akda ng Epikong Tuwaang
Batay sa aking paghalughug kung sino ang author o may-akda ng epikong Tuwaang ng Mindanao ay wala akong nahanap dahil ang epikong ito ay nagpasalin-salin na sa mga henerasyon. Isinasalin ang salaysay nito sa iba’t ibang pangkat at panahon.
Samantala, sinasabing may mahigit sa 50 kanta ang mga Manobo tungkol kay Tuwaang. Dalawa sa mga ito ang naitala at ipinalathala ni E. Arsenio Manuel, ang Mangovayt Buhong na Langit (Ang Dalaga ng Langit Buhong) at Midsakop Tabpopowoy (Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan).
Pangunahing Tauhan sa Tuwaang o Tuwaang Characters
Time needed: 1 minute.
Narito ang mga Tuwaang characters o tauhan
- Tuwaang
Si Tuwaang ang pinuno ng Kuaman, kilala siya sa kanyang katapangan, lakas, at kakisigan.
- Bai
Si Bai ay ang kapatid na babae ni Tuwaang. Sinubukan niyang pigilin ang kanyang kapatid na umalis dahil mapanganib ang kanynag gagawin ngunit wala itong nagawa.
- Binata ng Pangavukad
Siya ang kasama ni Tuwaang na pumunta sa lupain ni Batooy.
- Dalaga ng Buhong
Siya ang dalagang may lambong ng kadiliman, siya rin ang humingi ng tulong kay Tuwaang at kay Batooy.
- Batooy
Si Batooy ang matalik na kaibigan ni Tuwaang.
- Binata ng Pangumanon
Siya ang nakalaban ni Tuawaang na may taglay rin na kapangyarihan. Gumamit siya ng dahas dahil sa lubha niyang pagkagusto sa dalaga ng Buhong.
Sino ang Kapatid ni Tuwaang?
Ang kanyang kapatid ay si Bai.
Plot o Banghay ng Tuwaang
Narito ang banghay o plot ng epikong Tuwaang ng mga bagobo, ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Sa isang bayan ng Kuaman may isang pinuno na kilala bilang isang matapang, makisig at malakas. Isang araw ay may nakarating sa kanyang balita na may isang dalaga raw na nagmula sa kalangitan ng Buhong na humihingi ng tulong at nakarating ito sa kaharian ni Batooy.
- Tinawagan naman kaagad ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwang sa kanyang kapatid na babae na si Bai, hindi ito pumayag dahil sa ang kanyang gagawin ay lubos na mapanganib. Ngunit, sa huli ay wala rin itong nagawa.
- Hindi ito mapipigilan sa kanyang pagsaklolo kung kaya sumakay ito sa kidlat upang mabilis siyang makarating sa pupuntahan. Sa kanyang paglalakbay ay dumaan muna siya sa lupain ng Binata ng Pangavukad.
- Sa kanyang pagdating sa lugar ay dinulutan siya ng itso na naging kaugalian nng mga Muslim. Matapos ang kagapang iyon ay pumunta na sila salupain ni Batooy ang kayang kaibigan na tumawag sa kanya.
- Pagdating nila roon ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga nila sa binata ng Kuaman dahil sa kagandahang lalaki nito. Dahil sa kanyang pahod dulot ng paglalakbay ay nakatulog ito sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong.
- Ang dalaga ay walang sinuman ang gustong kausapin simula ng ito dumating sa Batooy. Hinintay niya si batotoy at ang kaibigan upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin.
- Sa hindi inaasahan ang binata ng Pangumanon ay nagkagusto sa dalaga. Subalit laking pag-ayaw ng dalaga sa kanya. Kaya gumamit ito ng dahas upang makuha ang dalaga.
- Ang dalaga ay napilitang humingi ng tulong kay Tuwaang at kay Batooy. Sa sandaling iyon ay bigla na lamang dumating ang binata ng Pangumanon at lapastangan nitong pinagtataga ang mga tauhan ni Batotoy.
- Naglaban na sila ng binata ng Pangumanon. Nagtagal ang labanan dahil pareho silang may kapangyarihan at lakas. Sa huli at nanaig ang kapangyarihan ng mabuti at natalo ang binata ng Pangumanon at namatay.
- Binuhay ni Tuwaang ang mga namatay na tauhan ni Batooy at inuwi niya ang dalaga sa Kuaman. Pagtapos ng mga nangyari minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Kasama ang lahat ng kanyang tauhan, kapatid at ang dalagang Buhong sa lupain ng walang kamatayan.
Setting o Tagpuan ng Epikong Tuwaang
Narito ng tagpuan o setting sa epiko ng Bagobo na sakop ng Mindanao.
- Sa Kuaman naninirahan ang magaling, matapang, makisig at malakas na si Tuwaang.
- Sa kaharian ni Batooy naganap ang isang madugong labanan.
- Sa bayan ng Katu-san ang lupaing walang kamatayan ang napiling lugar ni Tuwaang na manirahan pagkatapos niyang magapi ang binata ng Pangumanon.
Konklusyon
Ang epiko ang nagmula sa Bagobo sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Tuwaang na inyong nasaksikan sa kanyang kakisigan at katapangan. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan.
Isa itong epiko ng Mindanao at nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon. Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideyang hindi magandang solusyon ang dahas sa anumang ninais na makuha o gusto. Matutong rumespito sa desisyon ng ibang tao.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.