Tulalang (Epiko ng Manobo) – Buong Pagsusuri

TULALANG – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Manobo sa Mindanao na pinamagatang “Tulalang.” Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epikong tulalang.

Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.

Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Tulalang epiko ng mga Manobo sa Mindanao, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.

Ano ang kahulugan ng Epiko?

Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.

Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”

Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang epiko ng mga manobo na pinamagatang tulalang.

Buong Pagsusuri ng Epikong Tulalang

Tulalang (Epiko ng Manobo) - Buong Pagsusuri
Tulalang (Epiko ng Manobo) – Buong Pagsusuri

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang story of Tulalang Tagalog. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.

Tulalang Story Summary o Buod ng Epikong Tulalang

Ang epikong Tulalang ay isang epikong-bayan ng mga Manobo sa Mindanao. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang binata na galing sa mahirap na pamilya at naging matagumpay na pinuno sa huli.

Narito ang buod ng Epikong Tulalang:

Tulalang (Buod ng Tulalang – Epiko ng Manobo)

May isang binatang galing sa mahirap na pamilya na nagngangalang Tulalang. Isang araw ay nasa kagubatan siya. May matandang nakakita sa kanya at sinabihan siya ng matatapos na rin ang kanilang kahirapan.

Simula nun ay natapos nga ang kanilang paghihirap at umunlad. Ilang taon ang nakalipas at sila ay nagtayo ng kanilang palasyo. Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga kapag nalanta kaagad ang mga bulaklak ay nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian.

Isang araw ay biglang nalanta ang rosas at sumalakay si Agio, isang heneral. Pero natalo ni Tulalang at ng kaniyang mga kapatid si Agio ng tatlong beses, kalaunan ay nalaman nilang pinsan pala nila si Agio.

Isang umaga ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng puno nang may dumumi na uwak sa kaniyang mukha at pinaalam kay Tulalang na may higanteng kumakain ng tao at may bihag na dalaga, pinaalam rin sa kanya kung saan matatagpuan ang sinabing higante.

Niligtas ni Tulalang ang dalaga at inalok na magpakasal ngunit tumanggi ito. Nung nalaman ng dalaga na namatay ang kaniyang amang Hari ay pumayag sa alok na kasal ni Tulalang.

Bago ang kasalan ay umuwi si Tulalang at nalaman niyang sinalakay sila ni Bagyo at nadakip ang kaniyang kapatid na babae. Inalok ni Bagyo ng kasal ang kapatid ni Tulalang pero tumanggi ito. Nagpanggap si Tulalang na batang alila sa kaharian ni Bagyo at itinakas ni Tulalang ang kaniyang kapatid.

Nalaman ni Bagyo ang nangyari at mulling sinalakay sina Tulalang. Bago sumalakay si Bagyo ay huminga muna siya at ang kanyang mga kawal sa isang bote at isinabit ito sa loob ng palasyo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Tulalang.” I-download upang mabasa ito offline.

Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng Tulalang epiko ng mga Manobo, tiyak na naintindihan na ninyo ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.

Author o May-akda ng Tulalang Epiko

Batay sa aking paghahanap kung sino ang author o may-akda ng epiko ng Manobo sa Mindanao ay wala akong nahanap dahil ang epikong ito ay nagpasalin-salin na sa mga henerasyon. Isinasalin ang salaysay nito sa iba’t ibang pangkat at panahon.

Tulalang Characters o Tauhan

Time needed: 1 minute.

Narito ang mga characters o tauhan sa epiko

  1. Tulalang

    Si Tulalang pangunahing tauhan sa epiko, nanggaling siya isang mahirap na pamilya. Sa huli ay nakaahon sila sa kahirapan, naging mayaman, kinilalang bayani at mabuting pinuno sa kanilang kaharian.

  2. Isang matanda

    Ang matandang nakakita kay Tulalang at sinabihan siyang matatapos na rin ang kanilang kahirapan.

  3. Agio

    Si Agio ay isang heneral ang unang nakalaban ni Tulalang at nakilalang pinsan nila.

  4. Kapatid na babae nina Tulalang

    Siya ang kapatid ni Tulalang na nagtanim ng mahiwagang mga rosas na magbibigay senyales kapag may kalaban.

  5. Ang uwak

    Ang uwak ang nagsabi sa kanya na may isang higanteng kumakain ng tao at may bihag na dalaga.

  6. Bagyo

    Si bagyo ang sumalakay sa kaharian ni Tulalang kasama ang kanyang mga kawal at ang dumakip sa kanyang babaeng kapatid. Sa huli sila ay sumuko rin naman at nagpasakop kay Tulalang.

Plot o Banghay ng Epikong Tulalang

Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  • Noong unang panahon ay may isang pamilya na labis ang kanilang kahirapan. Isang araw ang binatang si Tulalang ay naglalakad sa kagubatan at nakilala niya ang isang matanda.
  • Sinabihan siya ng matanda na matatapos na ang kanilang kahirapan at nagkatotoo ang sinabi ng matanda ang kanilang pamilya ay naging mayaman at di na naghihirap.
  • Makalipas ang mahabang panahon, Ang kanyang kapatid na babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas na nagbibigay babala sa kanila kapag ito’y nalanta ay may darating na kaaway sa kanilang kaharian.
  • Isang araw ay nalanta ang rosas at ang kaharian ay sinalakay ni Agio at ang kanyang mga kawal. Pero natalo silang lahat at kanilang napag-alaman na na si Agio ay kanilang pinsan.
  • Habang natutulog si Tulalang ay sinabihan siya ng uwak na mayroong isang higanteng kumakain ng tao at may bihag na dalaga, pinaalam rin sa kanya kung saan matatagpuan ang sinabing higante.
  • Niligtas niya ang babae at niyayang magpakasal ngunit hindi ito pumayag. Sa bandang huli ay pumayag rin ito.
  • Bago ang kanilang kasal ay sinalakay sila ni Bagyo at kinuha ang kanyang kapatid. Nagpanggap si Tulalang na batang alila sa kaharian ni Bagyo upang maitakas ang kapatid.
  • Nalaman ito ni Bagyo at sinalakay muli ang kanilang kaharian. Bago sumalakay si Bagyo ay huminga muna siya at ang kanyang mga kawal sa isang bote at isinabit ito sa loob ng palasyo.
  • Sa kanilang paghaharap ay binalaan ni Tulalang sina Bagyo na babasagin niya ang bote kung hindi sila susuko, kaya’t napilitang sumuko si Bagyo at mga tauhan nito. Natalo ni Tulalang ang baboy ramo at higante. Nang bumaba na ang sarimbar, sumakay na si Tulalang, mga kapatid niya, at ang mga mamamayan. Nagtamo sila ng walang hanggang buhay at naging maligaya.

Setting o Tagpuan ng Epikong Tulalang

Narito ang tagpuan o setting sa epiko.

  • Epikong ito ay nanggaling sa Mindanao sa lalawigan ng Manobo.
  • Sa kagubatan, dito nakilala ni Tulalang ang isang matanda na nagsabi sa kanya na matatapos na ang kanilang kahirapan.
  • Sa ilalim ng puno, habang natutulog si Tulalang ay sinabihan siya ng uwak mayroong isang higanteng kumakain ng tao at may bihag na dalaga.
  • Sa kaharian ni Bagyo, dito siya nagpapanggap bilang isang batang alila upang mailigtas ang kanyang kapatid.

Konklusyon

Ang epikong ito ay isang magandang epiko sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Tulalang at kanilang kaharian.

Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.

Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideyang huwag mawalan ng pag-asa sa buhay. Tumulong sa mga taong nangangailangan at maging matapang sa hamon ng buhay.

Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Tulalang (Epiko ng Manobo) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Tulalang (Epiko ng Manobo) – Buong Pagsusuri”

Leave a Comment