TUDBULUL – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Cotabato sa Mindanao na pinamagatang “Tudbulul”. Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng Tudbulul story Tagalog na epiko ng Mindanao.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Tudbulul epiko ng Mindanao, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Tudbulul story Tagalog
Buong Pagsusuri ng Tudbulul Epiko ng Mindanao

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang tudbulul epiko ng Mindanao. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Tudbulul Epiko ng Mindanao Summary o Buod
Ang epikong ito ay mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao ang epikong-bayang Tudbulul.
Ang mga awit o lingon na bumubuo sa epikong-bayan ay tinatawag sa loob ng pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (“Awit ng Matanda”). Malawakan naman itong kinikilala bilang Tudbulul dahil ito ang pangalan ng bayaning tauhan.
Tinatayang may 20 hanggang 24 na lingon ang epikong-bayan, at bawat isa ay nagsasalaysay ng isang buong kuwento. Nagsisimula ang epikongbayan sa awit na Kemokul Laendo nga Logi (“Walang Anak si Kemokul”) na nakatuon sa pagnanais ni Kemokul na magkaroon ng anak na lalaki na siyang magtatanggol sa kanilang pamayanan, ang Lemlunay.
Narito ang buod ng Epikong Tudbulul:
Tudbulul (Buod ng Tudbulul – Epiko ng Cotabato)
Si Kemokul at Lenkonul ay ang mag-asawang naninirahan sa Lemlunay. Dumaranas sng matinding kahirapan sa kanilang lugar subalit mas nananaig ang kanilang nais na magka-anak. Nanaginip isang gabi si Lenkonul na magkaka-anak sila kapang ngumuya siya ng nganga na galing sa Mohin Lubon, ang lugar ng diwata.
Pumunta si Kemokul sa nasabing lugar at doon ay nakilala niya ang diwatang galit na galit dahil sa kanyang pagpunta doon. Bawal ang sinuman na pumunta doon. Nagmakaawa si Kemokul na bigyan sila ng nganga kapalit ang natatanging kayamanan na hawak nila.
Pumayag ang diwata pero sa isang kondisyon, kapag babae ang bata ay mapupunta raw sa mag-asawa ngunit kapag ito ay lalaki ay magiging kaniya. Sumang-ayon si Kemokul sa kondisyon.
Nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki si Lenkonul. Hindi tumupad ang mag-asawa sa kondisyon na ikinagalit ng diwata. Sa kanyang galit ay pwersahan niyang kinuha ang batang lalaki mula sa mga magulang nito. Ngunit ng lumaki si Tudbulul, may isang malagim na plano pala ang diwata sa kanya kasabwat ang mangkukulam na si “Wogung”…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Tudbulul.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng Tudbulul story, tiyak na naintindihan na natin ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.
Ang kapanganakan ni Tudbulul ang magiging katuparan ng kaniyang nais. Ipinahihiwatig ang kadakilaan ng sanggol ng mga kakambal nitong gamit pandigma: sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang kabayo.
Ang pag-awit ng Tudbulul ang siyang pinakatampok sa anumang pagtitipon ng pamayanan. Isinasagawa ito tuwing Klalak, ang bahagi ng pagdiriwang kung kailan tapos nang kumain ang lahat at wala nang iba pang gagawin maliban sa pakikinig ng lingon.
Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-bayan dahil ang kanilang diwata ang nagsasabi kung ano ang kanilang dapat isalaysay. Ginagawa ang helingon habang nakaupo at mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga.
Kaugnay nito, mataas ang pagtingin ng mga Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at pinatutunayan ng paghahandog sa kaniya ng mga pagkain at regalo sa katapusan ng pagtitipon.
Tudbulul Author o May-akda
Batay sa aking paghalughug kung sino ang author o may-akda ng epikong Tudbulul ng Mindanao ay wala akong nahanap dahil ang epikong ito ay nagpasalin-salin na sa mga henerasyon. Isinasalin ang salaysay nito sa iba’t ibang pangkat at panahon sa pamamagitan ng pag-awit o helingon.
Tudbulul Characters o Tauhan
Time needed: 1 minute.
Narito ang mga characters o tauhan sa epikong Tudbulul story Tagalog.
- Kemokul
Si Kemokul ay asawa ni Lenkonul na nanaginip na magkakaroon sila ng anak. Pumunta siya sa diwata at nakipagsundo kapalit ng nganga.
- Lenkonul
Si Lenkonul ang asawa ni Kemokul na nagsilang ng isang malusog na sanggol.
- Tudbulul
Si Tudbulul ang pangunahing tauhan sa epiko. Siya ang anak nina Kemokul at Lenkonul.
- Diwata
Ang diwatang nakipagsundo kay kemokul na kapag ang kanilang anak ay lalaki ay mapupunta sa kanya at kapag babae naman ay sa mag-asawa mapupunta.
- Wogung
Si Wogung ay isang mangkukulam na kasabwat ng Diwata sa masamang balak kay Tudbulul.
- Selel
Si Selel ang may-ari ng buwan, siya ang nakarinig sa planong pagpatay kay Tudbulul kung kaya ito ay nag-anyong ibong “Duyung.”
Tudbulul Plot o Banghay
Narito ang banghay o plot ng Tudbulul epic story, ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon ay mayroong mag-asawang naninirahan sa Lemlunay. Sila ay dumanas ng matinding kahirapan ngunit, nanaig ang kanilang pagnanais na magkaroon ng anak.
- Isang gabi nanaginip si Lenkonul na magkakaroon sila ng anak kapag ngumuya siya ng nganga na galing sa Mohin Lubon, ang lugar ng diwata.
- Dali-dali naman pumunta si Kemokul sa lugar ng diwata upang kumuha ng nganga. Subalit nagalit ang diwata sa kanyang ginawa dahil walang sinuman ang maaring pumasok sa kanyang lugar.
- Nagmakaawa si Kemokul sa diwata na bigyan siya nito ng nganga kapalit ng kanyang natatanging kayamanan. Pumayag naman ang diwata ngunit mayroon itong kundisyon.
- Kapag ang kanilang anak ay lalaki ibibigay nila ito sa diwata at kapag babae naman ay mananatili sa mag-asawa.
- Pumayag sa kondisyon si Kemokul. Hindi kalaunay ay nagkaroon na sila ng anak na lalaki. Hindi sila tumupad sa kondisyon kung kaya labis ang galit ng diwata sa kanila.
- Pwersahang kinuha ng diwata ang kanilang anak at walang nagawa ang mag-asawa dahil mayroon silang kasunduan.
- Malipas ang mahabang panahon ay lumaki si Tudbulul, may malagim na palano pala ang diwata kasabwat niya ang isang mangkukulam na si Wogung.
- Ang kanilang plano ay narinig ni Selel at sinabi niya ang buong katotohan kay Tudbulul kasama na ang tunay nitong mga magulang. Sinabihan siya ng ibon sa mga maaari niyang gawin upang makaalis sa lugar ng diwata at kung paano niya ito mapapaslang.
- Matapos ang mga kaganapang iyon, nakipagsapalaran siya sa Mugul at Longit Setang kung saan siya nakapag-asawa. Sinunod niya ang payo ng ibon sa kanya. Samantala, ang kanyang mga magulang ay nagkaroon ng siyam na anak ang lahat ay babae.
- Isang araw ay nahanap siya ng isa niyang kapatid at dahil doon ay nakasama ni Tudbulul ang kanyang mga magulang at mga kapatid pagkatapos ng mahabang panahon.
Tudbulul Setting o Tagpuan
Narito ng tagpuan o setting sa epiko ng Cotabato sakop ng Mindanao na pinamagatang Tudbulul story.
- Sa Lemlunay naninirahan ang mag-asawang Kemokul at Lenkonul.
- Sa Mohin Lubon ito ang lugar ng diwata kung saan kailangang kumuha ng nganga ni Kemokul.
- Sa Mugul at Longit Setang nakipagsapalaran si Tudbulul pagkatapos niyang makaalis sa lugar ng diwata. At diyan din niya na kilala ang kanyang napangasawa.
Konklusyon
Ang epikong-bayan tudbulul ay mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Tudbulul. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan.
Isa itong epiko ng Mindanao at nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon. Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideyang hindi kailanman nananaig ang kasamaan ang lahat ay mayroong hangganan.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.