OLAGING SETTING – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang setting o tagpuan sa epikong Olaging Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng setting o tagpuan sa Olaging, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito sa kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Olaging.
SEE ALSO: Agyu Setting – Setting o Tagpuan Sa Agyu Tagalog
Setting of Olaging o Tagpuan sa Tagalog

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang setting o tagpuan ng epikong Olaging. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Olaging Setting o Tagpuan sa Tagalog
Ang tagpuan o setting sa epikong Olaging ay sa Bukidnon at Nalandangan.
- Sa Bukidnon nanggaling ang kwento na ito.
- Ang Nalandangan naman ang lugar na pinaglalaban nina Agyu at kanyang mga angkan laban sa mga mananakop.
Konklusyon
Ang epikong ito ay umiikot sa kwento ni Agyu at kanyang mga angkan. Ang lahat ng kaganapan dito ay mahiwaga. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideya na ipagtanggol natin kung ano ang atin, ating alalahanin ang kapakanan ng karamihan, at sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan tayo ay magtatagumpay sa ating mga mithiin sa buhay.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa epikong “Olaging Setting o Tagpuan Tagalog,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.