Sandayo (Epiko ng Zamboanga) – Buong Pagsusuri

SANDAYO – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Zamboanga na pinamagatang “Sandayo” epic story Tagalog. Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng Sandayo epiko.

Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.

Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Sandayo epiko, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.

Ano ang kahulugan ng Epiko?

Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.

Maliban sa kahulugan ng epiko sa Filipino, ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”

Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan.

Buong Pagsusuri ng Sandayo Epiko ng Zamboanga

Sandayo (Epiko ng Zamboanga) - Buong Pagsusuri
Sandayo (Epiko ng Zamboanga) – Buong Pagsusuri

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang halimbawa ng epiko ng Zamboanga. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.

Sandayo Summary o Buod

Isa ito sa halimbawa ng epiko ng Mindanao na may buod na pinamagatang Sandayo na nagmula sa Mindanao. Ito ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga.

Pangunahing tauhan ng epikong-bayang ito si Sandayo, anak nina Datu Salaria at ng asawa nitong si Salaong ng Tubig Liyasan.

Sandayo (Buod ng Sandayo – Epiko ng Zamboanga)

Sa pagsapit ng kaniyang unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon ay masasaksihan ang katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon at labanan.

pinaniniwalaan ng mga Subanon na kapag may isang ibong dumapo sa bubong sa panahong inaawit ang epiko, ito ay ang kaluluwa ni Sandayo…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Sandayo.” I-download upang mabasa ito offline.

Binubuo ng 4,843 taludtod, isa ang epikong ito sa tatlong epikong-bayan ng mga Subanon.
Ang dalawa pang nailathala na rin ay ang Ang Guman ng Dumalinao na binubuo ng 4,063 taludtod at ang Ag Tobig Nog Keboklagan na binubuo ng 7,960 taludtod.

Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng epiko, tiyak na naintindihan na natin ang kabuuan nito. Ang epikong ito ay isa sa mga magagandang epiko ng Mindanao.

Sandayo Author o May-Akda Tagalog

Ang epiko ay kinalap, itinala, at isinalin ito sa Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng isang babaeng Subanon na kilala bilang si Perena, sa loob ng pitong magkakasunod na gabi, simula ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng madaling-araw, noong ika-9 hanggang ika-16 ng Hunyo 1980.

Una itong nailatlahala sa pamagat na Keg Sumba Neg Sandayo sa Kinaadman: A Journal of the Southern Philippines noong 1982. Pinamagatan naman itong Sandayo sa salin sa Filipino ni Antolina T. Antonio bilang pagkilala sa bayani ng epikong-bayan.

Characters o Tauhan sa Sandayo Epic Story Tagalog

Time needed: 1 minute.

Narito ang mga characters o tauhan sa epiko

  1. Sandayo

    Si Sandayo ang pangunahing tauhan sa epiko. Anak siya nina Datu Salaria at ng asawa nitong si Salaong ng Tubig Liyasan.

  2. Datu Salaria

    Si Datu Salaria ang ama ni Sandayo.

  3. Salaong ng Tubig Liyasan

    Si Salaong ng Tubig Liyasan ay asawa ni Datu Salaria at ang ina ni Sandayo.

Plot o Banghay Ng Sandayo Epiko

Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  • Ang mag-asawang Datu Salaria at Salong ng Tubig Liyasan ay may anak na si Sandayo.
  • Si Sandayo ay hindi iniluwal ng kaniyang ina kundi nahulog sa buhok nito sa ikasiyam na ulit na pagsuklay.
  • Sa pagsapit ng kaniyang unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon ay masasaksihan ang katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon at labanan.
  • Simula noon pinaniniwalaan ng mga Subanon na kapag may isang ibong dumapo sa bubong sa panahong inaawit ang epiko, ito ay ang kaluluwa ni Sandayo, ang bayaning mangangalaga sa kanilang mga lupain at tubigan at magpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng pamayanan.

Setting o Tagpuan ng Sandayo Epic Story Tagalog

Ang epiko ito ay mula sa Subanon, bulubundukin ng Zamboanga sakop ng Mindanao.

Konklusyon

Ang epikong ito ay isang magandang epikong-bayan ng Subanon sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Sandayo. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Sandayo (Epiko ng Zamboanga) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Leave a Comment