OLAGING PLOT – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang plot o banghay ng epikong Olaging Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng plot o banghay sa Olaging, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito sa kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Olaging.
SEE ALSO: Agyu Plot – Plot o Banghay Ng Agyu Tagalog
Plot of Olaging o Banghay sa Tagalog

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang plot o banghay ng epikong Olaging. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Olaging Plot o Banghay sa Tagalog
Narito ang banghay o plot ng epikong Olaging na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon, may ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan na pinamagatang Olaging ng Bukidnon.
- Ito ay kwento ng mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu.
- Isa si Matabagka, ang kapatid na babae ni Agyu, sa mga nagtagumpay nang ipagtanggol niya ang Nalandangan habang naglalayag ang mga kalalakihan.
- Maaaring gumawa ng maraming sengedurug kung kaya nagkaroon ng iba’t ibang kuwento na umiikot sa mga kamag-anak ni Agyu.
- Naiiba ang naturang epikong-bayan tungkol kay Agyu at sa kaniyang mga kamag-anak dahil hindi ito ang karaniwang kuwento ng paghahanap ng isang bayani ng kaniyang mapapangasawa.
- Sa halip, layunin ng bayani ang ipagtanggol ang kaniyang lupain upang mapanatili ang kanilang lahi at tribu.
Konklusyon
Ang epikong Olaging ay umiikot sa kwento ni Agyu at kanyang mga angkan. Ang lahat ng kaganapan dito ay mahiwaga. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideya na ipagtanggol natin kung ano ang atin, ating alalahanin ang kapakanan ng karamihan, at sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan tayo ay magtatagumpay sa ating mga mithiin sa buhay.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa epikong “Olaging Plot o Banghay Tagalog,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.