Olaging – Sa araling ito, matutunghayan ang buong pagsusuri ng epikong bukidnon, sakop ng Mindanao na pinamagatang “Olaging” epic story Tagalog. Narito ang summary o buod, author, characters, plot, at setting ng epikong Olaging Tagalog.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon. Ang epikong Olaging ay isa sa mga epiko ng bukidnon na hanggang ngayon ay patuloy na lumalaganap sa larangan ng literatura.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot, and setting ng Olaging epic story, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng Epiko?
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito sa kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Olaging epic story Tagalog.
Buong Pagsusuri ng Epikong Olaging Story

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang halimbawa ng epiko na Olaging. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Olaging Summary o Buod Tagalog
Ang Olaging ay isa sa mga epiko ng Bukidnon. Ang epiko na ito ay isang bersyon ng kwento ni Agyu. Ito ay tungkol sa pagtanggol ni Agyu sa kanilang lupain laban sa mga mananakop. Narito na ang buod o summary ng nasabing epiko – Olaging.
Olaging (Buod ng Olaging – Epiko ng Bukidnon)
Ang Olaging ng Bukidnon ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan. Kuwento ito ng mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu.
Bagaman mayroong mga pinsala, naipanalo nila ang labanan. Isa si Matabagka, ang kapatid na babae ni Agyu, sa mga nagtagumpay nang ipagtanggol niya ang Nalandangan habang naglalayag ang mga kalalakihan.
Ang tawag ng mga Arakan-Arumanen at Livunganen-Arumanen para sa epikong-bayan ay “olaging,” “ulahing,” o “ulahingan.” Mayroong itong dalawang bahagi: ang kepuunpu-un na tungkol sa pag-akyat ni Agyu at ng kaniyang kamag-anak sa langit; at ang sengedurug na tungkol sa pakikipagsapalaran nila…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Olaging.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary ng epikong Olaging story Tagalog, tiyak na naintindihan na natin ang kabuuan nito. Ang epikong ito ay isa ding bersyon ng kwento ni Agyu.
Sa kwento, matutunghayan ang pakikipaglaban at pagtatanggol ng kanyang mga angkan sa Nalandagan. Layunin ni Agyu na ipagtanggol ang kanyang lupain laban sa mga mananakop at mapanatili ang kanilang lahi at tribu.
Olaging Author o May-Akda Tagalog
Ang epikong Olaging, batay sa aking pananaliksik ay walang partikular na awtor. Ito ay epiko ng bukidnon at kwento ng mga taga bukidnon. Ito ay isang bersyon ng kwento ni Agyu. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu.
Olaging Characters o mga Tauhan Tagalog
Time needed: 2 minutes.
Narito ang mga tauhan o characters sa Olaging epic story Tagalog.
- Agyu
Siya ang bayani sa kwento.
- Angkan ni Agyu
Sila ang mga aangkan ni Agyu sa Kwento.
- Matabagka
Siya ang isa sa mga kapatid na babae ni Agyu.
Olaging Plot o Banghay Tagalog
Narito ang banghay o plot ng epikong Olaging na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Noong unang panahon, may ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan na pinamagatang Olaging ng Bukidnon.
- Ito ay kwento ng mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu.
- Isa si Matabagka, ang kapatid na babae ni Agyu, sa mga nagtagumpay nang ipagtanggol niya ang Nalandangan habang naglalayag ang mga kalalakihan.
- Maaaring gumawa ng maraming sengedurug kung kaya nagkaroon ng iba’t ibang kuwento na umiikot sa mga kamag-anak ni Agyu.
- Naiiba ang naturang epikong-bayan tungkol kay Agyu at sa kaniyang mga kamag-anak dahil hindi ito ang karaniwang kuwento ng paghahanap ng isang bayani ng kaniyang mapapangasawa.
- Sa halip, layunin ng bayani ang ipagtanggol ang kaniyang lupain upang mapanatili ang kanilang lahi at tribu.
Olaging Setting o Tagpuan Tagalog
Ang tagpuan o setting sa epikong Olaging ay sa Bukidnon at Nalandangan.
- Sa Bukidnon nanggaling ang kwento na ito.
- Ang Nalandangan naman ang lugar na pinaglalaban nina Agyu at kanyang mga angkan laban sa mga mananakop.
Konklusyon
Ang epiko na ito ay umiikot sa kwento ni Agyu at kanyang mga angkan. Ang lahat ng kaganapan dito ay mahiwaga. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideya na ipagtanggol natin kung ano ang atin, ating alalahanin ang kapakanan ng karamihan, at sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan tayo ay magtatagumpay sa ating mga mithiin sa buhay.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Olaging (Epiko ng Bukidnon) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.
what is the moral of the story?
what is the moral of the story? olaging?