EPIKO NI GILGAMESH – Sa artikulog ito, ating matututunan ang epiko ni gilgamesh sa Tagalog kasama ng buod, mga tauhan, banghay, aral at iba pa na makikita sa kwento. Basahin ng mabuti ang paksa upang maaliw at matuto sa epiko.
Ang epikong ito ay mula sa Mesopotamia at tinagurian pang isa sa pinakaunang dakilang lihang panitikan noong unang panahon. Ito ay kwento ng pagkabayani at pagpapahalaga sa matalik na kaibigan kahit hanggang sa kamatayan.
Maaliw at mamangha sa mga paglalakbay ng ating pangunahing pauhan at pagkatapos ay matuto sa mga aral na mapupulot sa kwento. Lalong-lalo ng mula sa mga bida – ang dalawang magkaibigan na sina Gilgamesh at Enkidu.

Buod ng Epiko ni Gilgamesh
Ang epiko ay nagsimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh bilang hari ng Uruk. Siya ay kalahating diyos at tao. Siya ang pinakamalakas at pinakatanyag na hari sa buong mundo ngunit isa rin siyang mayabang at abusadong hari.
Hanggang sa umiyak ang tao at nanalangin sa diyos na si Anu upang tulungan sila na magkaroon ng katapat si Gilgamesh at ng sa gayon ay mawaksi ang kasamaan nito.
Ang mga diyos ay tumugon sa pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas ni Gilgamesh sa katauhan ni Endiku. Nilikha ng punong bathala ng lunsod na si Anu ang mabagsik at marahas na primitibong taong si Endiku. Siya ay mabangis tulad ng mga hayop athnidi sibilisado at umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng damo.
Isang araw, nagpadala si Gilgamesh ng isang patutot o isang bayarang babae na si Shamhat para akitin si Enkidu. Ang pang-aakit na ito ang naging unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos nga ng pitong araw na pagtatalik sa kanya ay ibinalik siya nito sa Uruk.
Samantala, nagkaroo naman si Gilgamesh ng dalawang panaginip. Una, mayroon daw isang bato na nahulog mula sa kalangitan at lubhang napakalaki na hindi niya kayang mabuhat. Ang pangalawa ay mayroon daw palakol ang lumitaw sa pinto at hindi niya maalis.
Tinanong niya ang kanyang inang si Rimat-Ninsun na isang bathala kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip. Sinabi nito na ang kanyang panaginip ay nangangahulugang may lalaking npapakalakas na darating sa Uruk at yayakapin niya ito tulad ng pagyakap niya sa isang asawa at gagawa sila ng tanyag na mga gawain ng magkasama.
Sa kabilang dako, pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, hindi na tumutugon ang mga mababangis na hayop sa gubat gaya ng dati. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kumain, nagkaroon din siya ng kaalaman at pang-unawa sa tulong nito.
Nalaman ni Enkidu mula sa isang dayuhan na nakikisiping si Gilgamesh sa mga bagong kasal na babae ay nagalit ito anaglakbay patungong Uruk upang mamagitan sa isang kasal. At nang si Gilgamesh ay nagtangkang pumasok sa silid ng kasalan, hinarang siya ni Enkidu at sila ay nag-away.
Pagkalipas ng mabangis na paglalaban, nanalo si Gilgamesh at kinilala ni Enkidu ang kanyang superyor na lakas at sila ay mabilis na naging magkaibigan.
Sa kanilang pagkakaibigan ay marami silang napatumbang kalaban, kagaya na lamang ng kalahating diyos at kalahating leon na si Humbaba na naninirahan sa Kagubatang Cedar. Hindi natuwa ang mga diyos sa patuloy na pakikipagdigma ng dalawa kaya sinumpa nila na ang isa sa kanila ay nakatakdang mamatay.
Hindi nagtagal ay nakaratay si Enkidu dulot ng isang karamdaman. Tinuring niya kahiya-hiya ang kanyang sinapit sapagkat mas maligaya sana siya kung mamamatay siya sa digmaan kaysa sa sinapit niya. Pagkalipas ng ilang araw, binawian na ng buhay si Enkidu
Dinamdam ni Gilgamesh ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan kaya naman ipinagluksa niya ito ng pitong araw. Matapos noon, nagpagawa siya ng estatwa upang alalahanin ang yumaong kaibigan na si Enkidu.
Pagkatapos noon, nagpasya si Gilgamesh na maglakbay upang makamit ang walang hanggang buhay. Nagpasya siyang hanapin si Utnapishtim, na itinuturing na Noah sa Mesopotamia. Nais niyang alamin mula rito kung anu ang sikreto ng walang hanggang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng mga diyos.
Sa kanyang paglalakbay ay narating niya nag kambal na bunok ng Mashu kung saan sumisikat ang araw sa kabilang bahagi at lumulubog naman ito sa kabila pagsapit ng gabi.
Nakaharap niya ang mga leon sa bundok at sa gabi bago siya matulog ang nanalangin siya sa diyos ng buwan na si Sin. Kaumagahan, pinaslang niya ang mga leon at ginamit ang mga balat nito para pandamit.
Ang kambal na bundok ng Mashu ay ang wakas ng daigdig at dito matatagpuan ang lagusan na walang tao ang kailanman nakapasok at binabantayan ng taong alakdan. Sa kanyang paglalakbay dito sa pangngapa sa madilim na lagusan ay narating niya ang hardin ng mga diyos na puno ng punong nahihiyasan.
Natagpuan doon ni Gilgamesh ang tagabantay ng inuman na may takip na belo na si Siguri. Inilahad niya nag kanyang layunin sa paglalakbay. Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh ngunit winasak nito ang mga higanteng bato kaya itinuro niya si Urshahabi na tagasagwan patungo kay Utnapishtim.
Sinabi niya ang kanyang layunin sa paglalakbay at nang kanyang hingin ang tulong nito ay ay ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lang niya ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa katubigan ng kamatayan.
Inutusan ni Urshanabi na putulin ang 300 na mga puno at gawing polong bangka. Nakarating sila sa isla ng Dilmun na tinitirahan ni Utnapishtim at inilahad ni Gilgamesh ang kanyang hangarin at humingi siya ng tulong dito.
Itinanong ni GZilgamesh ky Utnapishtim na tila wala sa kanyang sarili kung paano nga ba makakamit ang buhay na walang hanggan. Sinabi naman ni Utnapishtim na ang mga diyos ang nagpasya na magpadala ng isang malaking baha.
Imnungkahi ng diyos ng karunungan na si Ea na magpatayo siya ng isang malaking bangka upang makaligtas. Sumakay si Utnapishtim sa bangka kasama ng kanyang pamilya at lahat ng anak na buhay sa mundo, at isang marahas na bagyo ang lumitaw at nagsanhi ng napakalaking baha.
Tumagal ang baha ng 6 na araw at gabi at ang lahat ng tao ay naging putik. Ang kanyang bangka lumapag sa isang bundok, ang bundok Nisir at nagpalipad siya ng isang kalapati, isang layang-layang, at isang uwak.
Ipinalipad niya ang kalapati, pagkatapos ang layang-layang ngunit pareho itong nabigo na makahanap ng mapagpahingahang lugfar at bumalik na lamang. Sa huli ay pinalipad niya nag uwak at hindi na ito bumalik, kaya binuksan niya ang arko at pinalaya ang mga nakatira dito.
Naghadog siya ng insenso bilang handog sa mga diyos, natuwa naman si Ishtar at itinaas ang kanyang kwentas ng mga dakilang hiyas bilang pag-ala-ala sa dakilang baha. Nagalit naman si Enlil na may nakaligtas ngunit kinondena siya sa pagpapadala ng baha na hindi pantay na paruha at kinastigo din siya ni Ea.
Kaya, pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang kanyang asawa at biniyayaan ng walang hanggang buhay.
Sa kabilang dako, hinamon naman ni Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi, ngunit nakatulog si Gilgamesh. Inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay sa bawat araw na siya ay tulog upang hindi siya makatanggi na dapat ay manatiling gising.
Pakatapos nito ay inutusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan ng damit ng hari upang bumalik sa Uruk. Sa kanilang paglisan ay hiniling ng asawa ni Utnapishtim na bigyan si Gilgamesh ng relgalo sa kanyang paglisan.
Iminungkahi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng dagat ay may isang halaman na magpapabatang muli sa kanya. Nagawa ni Gilgamesh na makalakad sa ilalim ng dagat at makakuha ng halaman.
Ngunit sa kasawiang palad, nang pauwi na siya sa Uruk ay huminto siya para maligo ay ninakaw ng ahas ang halaman at nalaglag ang kanyang balat sa kanyang paglisan.
Wala siyang nadala sa kanyang pagbalik sa Uruk. Alam niyang pwedeng mabuhay ng walang hanggan subalit hindi ang sangkatauhan.
Sa kanyang pagbalik ay muling naging kahanga-hanga at tanyag ang lunsod ng Uruk. Alam niyang hindi siya mabubuhay ng walang hanggan subalit hindi ang sangkatauhan.
Epiko ni Gilgamesh Buod
Mga Tauhan Sa Epiko Ni Gilgamesh
Time needed: 2 minutes.
Narito naman ang mga tauhan sa epiko ni Gilgamesh.
- Anu
Siya ang diyos ama ng langit.
- Gilgamesh
Siya ang hari ng Uruk at ang bida sa epiko.
- Enkidu
Siya naman ang pinadalang malakas na katunggali ni Gilgamesh ngunit natalo atr kalaunan ay naging matalik na kaibigan ng ating pangunahing tauhan.
- Rimat-Ninsun
Siya ay isang bathala at ina ni Gilgamesh.
- Shamhat
Siya ay isang patutot o babaeng bayaran na ipinadala ni Gilgamesh upang umakit kay Enkidu.
- Humbaba
Siya ang kalahating diyos at kalahating leon na natalo kina Gilgamesh at Enkidu sa kagubatang Cedar.
- Ea
Siya ang diyos ng karunungan at kaibigan ng mga mamamayan.
- Enlil
Siya ang diyos ng mundo pati ng hangin.
- Ishtar
Siya ang diyos ng digmaan at pag-ibig, at tinaguriang reyna ng mundo.
- Ninurta
Siya ang diyos ng alitan.
- Shamash
Siya ang diyos na kaugnay ng batas ng mga indibidwal at ng araw.
- Urshanabi
Siya ang manlalakbay sa dagat na tinatawag na kamatayan.
- Utnapishtim
Siya ang biniyayaan ng walang hanggang buhay ng mga diyos.
Epiko ni Gilgamesh Tagpuan
Narito ang mga tagpuan sa epiko ng Gilgamesh.
- Uruk
- Ito ang lugar na pinaghaharian ni Gilgamesh.
- Kagubatan
- Dito unang tumira si Enkidu kasama ang mga mababangis na hayop.
- Kagubatang Cedar
- Ito ang gubat na tinitirahan ni Humbaba na tinalo nina Enkidu at Gilgamesh pagkapos ay kinuha nila ang mga punong Cedar at pinatag ang buong gubat.
- Bundok Mashu
- Ang kambal ang tuktok ng bundok na ito ay ang wakas ng daigdig. Ito rin ang lagusan papunta kay Utnapishtim.
Banghay ng Epiko ni Gilgamesh
Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko.
- Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala ky Gilgamesh bilang hari ng Uruk. Siya ay isang mayabang at malupit na hari.
- Nanalangin ang mga tao sa diyos na si Anu at ipnadala niya si Enkidu na siyang pinakalamakas na katunggali ni Gilgamnesh.
- Natalo si Enkidu sa kaniang laban at tinanggap niya ang kanyang pagkatalo at nang kalaunan ay naging matalik silang magkaibigan.
- Sa kanilang pakikipagdigma ng magkasama ay marami silang natalong kaaway kasama na si Humbaba sa Kagubang Cedar at kinuha nila ang mga punong Cedar at pinatag ang buong kagubatan.
- Matapos noon ay nagkasakit si Enkidu ng malubha at namatay.
- Ipagluksa ni Gilgamesh ng pitong araw ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan at nagpagawa ng istatwa upang alalahanin ito.
- Pagkatapos noon ay nagpasya siyang maglakbay sa layuning makamit ang buhay na walang hanggan.
- Ngunit, nabigo ito at umuwi na lamang sa Uruk upang gampanan ang kanyang katungkulan bilang hari.
Tema ng Epiko ni Gilgamesh
Ang tema sa epiko ng Gilgamesh ay pagkabayani at at pagpapaqhalaga sa matalik na kaibigan.
Epiko ni Gilgamesh Aral
Ang aral na mapupulot natin sa kwento ay dapat na pahalagahan at mahalin ang ating mga tunay na kaibigan.
Konklusyon
Ang epiko ni Gilgamesh sa Tagalog ay isang panulaang epiko mula sa Mesopotamia at tinaguriang pinakamatandang orihinal na likhang pantikan. Inilalahad ng kwentong ito ang kabayanihan at mga paglalakbay ni Gilgamesh na hari ng Uruk.
Sana ay may natutunan kayo sa ating topiko na magagamit niyo sa totoong buhay. Lalong-lalo na ang pagpapahalaga sa kaibigan.
Kung mayroon kayong suhestyon o katanungan sa ating topiko, ilista lamang ang inyong mga komento sa ibaba. At kung may gusto pa kayong mga aralin sa asignaturang Filipino na gustong malaman, bumisita lamang sa aming websyt. Maraming salamat.
Iba Pang Aralin Para Sa Inyo
- Ano Ang Salitang Magkasalungat
- 50+ Halimbawa Ng Mga Salitang Magkasalungat
- Homograpo Kahulugan At Halimbawa Nito
- Ano Ang Homonyms Sa Tagalog At Halimbawa
- Ano Ang (8) Walong Elemento Ng Tula
We are Proud Pinoy.