EPIKO NG MINDANAO – Sa araling ito ating matutunghayan ang mga halimbawa ng epiko ng Mindanao na may buod. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Ano Ang Kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Maliban sa kahulugan ng epiko sa Filipino, ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan.
13 Epiko ng Mindanao Halimbawa

Ang Pilipinas ay hindi lang mayaman sa kultura, gayundin sa mga kwentong bayan tulad ng epiko na hanggang sa ngayon kinawiwilihan pa rin nating mga Pilipino. Dagdag pa rito, ang mga epiko ng Mindanao ay nagpapakilala ng kasaysayan ng isang rehiyon o bansa.
13 Halimbawa Ng Mga Epiko Sa Mindanao
Time needed: 5 minutes.
Narito na ang mga halimbawa ng mga epiko ng Mindanao
- Bantugan
Epiko ng Mindanao
- Darangan
Epiko ng mga Maranao
- Indarapatra at Sulayman
Epiko ng Maguindanao
- Agyu
Epiko ng mga Ilianon
- Bidasari
Epiko ng Mindanao
- Olaging
Epiko ng Bukidnon
- Ulahingan
Epiko ng Cotabato
- Sandayo
Epiko ng Zamboanga
- Tudbulul
Epiko ng Cotabato
- Tuwaang
Epiko ng Bagobo
- Tulalang
Epiko ng Manobo
- Ulod
Epiko ng Davao
- Biuag at Malana
Epiko ng Cagayan
Halimbawa ng mga Epiko ng Mindanao
1. Bantugan (Buod ng Bantugan – Epiko ng Mindanao)
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya’t maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil dito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid.
Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan…
Isa itong epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Bantugan ay mula sa Mindanao. Ang kwento ay tungkol sa bayaning matapang at makisig na si Prinsipe Bantugan.
2. Darangan (Buod ng Darangan – Epiko ng Maranao)
Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan.
Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali...
Ang mga halimbawa ng epiko ng Mindanao na may buod na pinamagatang Darangan ay bersyon naman ng kwentong Bantugan ng mga Maranao.
3. Indarapatra at Sulayman (Buod ng Indarapatra at Sulayman – Epiko ng Maguindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao…
Ang mga halimbawa ng epiko ng Mindanao na may buod na pinamagatang Indarapatra at Sulayman ay mula sa Maguindanao.
4. Bidasari (Buod ng Bidasari – Epiko ng Mindanao)
Ang epiko ng Bidasari ay mula sa Mindanao na batay sa romansang Malay. Sa kanilang paniniwala, tumatagal ang buhay ng tao kapag pinapaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Nagkakagulo sa kaharian ng Kembayat kapag ang garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao, ay sinasalakay sila.
Nang minsang sumalakay ang garuda, ang Sultan at Sultana ng Kembayat ay nagkahiwalay habang nagtatakbuhan kasabay ng maraming tao. Kasalukuyan noong nagdadalantao ang Sultana…
Ito ay isang halimbawa ng epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Bidasari ay mula sa Mindanao. Ang epiko ay tungkol sa napakagandang prinsesa na si Bidasari.
5. Agyu – (Buod ng Agyu – Epiko ng Ilianon)
Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko.
Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti…
Ito ay isang halimbawa ng epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Agyu ay mula sa mga Illianon. Sa epiko si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at Ulahingan sa Mindanao na siyang ibang bersyon din ng pakikipagsapalaran ni Agyu.
6. Olaging (Buod ng Olaging – Epiko ng Bukidnon)
Ang Olaging ng Bukidnon ay isang epikong-bayan tungkol sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng bayaning si Agyu at kaniyang angkan. Kuwento ito ng mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng bayaning si Agyu.
Bagaman mayroong mga pinsala, naipanalo nila ang labanan. Isa si Matabagka, ang kapatid na babae ni Agyu…
Ito ay isang halimbawa ng epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Olaging ay mula sa Bukidnon.
7. Ulahingan (Buod ng Ulahingan – Epiko ng Cotabato)
Ang Nalandangan ay ang huling pangalan ng isang sinaunang kuta ng lungsod na tinatawag sa iba’t ibang pangalan, kasama ng mga ito: Yendang, Manengneng, Libalan, at Newili-an. Ang isang piniling tao, na minamahal ng Kataas-taasang Diyos ng kalangitan, ay naninirahan sa kuta na lungsod.
Sila ay nanggaling sa Aruman, sa pamamagitan ng pagsakay sa isang malaking barko.Itinayo ng mga tao ang lungsod, isang malaking istraktura sa tabi ng dalampasigan sa bukana ng isang ilog, gamit ang mga puno bilang mga haligi…
Ito ay isang halimbawa ng epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Ulahingan ay mula sa Cotabato.
8. Sandayo (Buod ng Sandayo – Epiko ng Zamboanga)
Ang Sandayo ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga.
Kinalap, itinala, at isinalin ito sa Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng isang babaeng Subanon na kilala bilang si Perena, sa loob ng pitong magkakasunod na gabi, simula ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng madaling-araw, noong ika-9 hanggang ika-16 ng Hunyo 1980…
Ang epikong ito ay mula sa Zamboanga at ito ay tungkol sa isang mahiwagang bayani na si Sandayo.
9. Tudbulul (Buod ng Tudbulul – Epiko ng Cotabato)
Mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao ang epikong-bayang Tudbulul. Isinasalin ang salaysay nito sa iba’t ibang pangkat at panahon sa pamamagitan ng pag-awit o helingon.
Ang mga awit o lingon na bumubuo sa epikong-bayan ay tinatawag sa loob ng pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (“Awit ng Matanda”). Malawakan naman itong kinikilála bilang Tudbulul dahil ito ang pangalan ng bayaning tauhan…
Ito ay isang halimbawa ng epikong Mindanao na may buod na pinamagatang Tudbulul ay mula sa Cotabato.
10. Tuwaang (Buod ng Tuwaang – Epiko ng Bagobo)
Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan.
Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang…
Ang epiko ay mula sa Bagobo ito ay tungkol sa magiting na bayaning si Tuwaang.
11. Tulalang (Buod ng Tulalang – Epiko ng Manobo)
May isang binatang galing sa mahirap na pamilya na nagngangalang Tulalang. Isang araw ay nasa kagubatan siya. May matandang nakakita sa kanya at sinabihan siya ng matatapos na rin ang kanilang kahirapan.
Simula nun ay natapos nga ang kanilang paghihirap at umunlad. Ilang taon ang nakalipas at sila ay nagtayo ng kanilang palasyo. Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga kapag nalanta…
Ang epiko ay tungkol sa magiting na bayaning si Tulalang at ito ay mula sa Manobo.
12. Ulod (Buod ng Ulod – Epiko ng Davao)
Ang Ulod ang epikong-bayan at pangalan ng bayani sa epikong-bayan ng mga Matigsalug, ang isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa hilagang kanluran ng Davao. Sa mga Matigsalug, tinatawag na ad-ulahing ang pag-awit ng epikong-bayan.
Tulad ng Tuwaang, ang epikong-bayan ng mga Manobo, binubuo rin ang Ulod ng ilang awitin, at karaniwang inaawit upang maging libangan tuwing may libing at kasal…
Ang epikong ito ay mula sa mga Matigsalug,ang isa sa mga pangkating etniko ng mga Bagobo na naninirahan sa hilagang kanluran ng Davao.
13. Biuag at Malana (Buod ng Biuag at Malana – Epiko ng Cagayan)
Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang pagmamahal ng isang magandang dilag.
Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siya’y isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa…
Ang epikong Mindanao na ito ay tungkol sa dalawang binatang may taglay na kapangyarihan na bigay ng isang diwata.
Konklusyon
Sa pagdaan ng maraming panahon, nakatatak pa rin sa ating mga Pilipino ang buod ng mga halimbawa ng epiko ng Mindanao na pinaniwalaan ng ating mga ninuno sa kanilang panahon. Ito ay naging malaking instumento sa ating pagkakakilanlan at masasabing maipagmamalaki talaga natin bilang mga Pilipino.
We are Proud Pinoy.