Biuag at Malana (Epiko ng Cagayan) – Buong Pagsusuri

BIUAG AT MALANA – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epiko ng Cagayan sa Mindanao na pinamagatang “Biuag at Malana.” Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epikong si biuag at malana.

Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.

Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng Biuag at Malana epiko ng Cagayan sakop ng Mindanao, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.

Ano ang kahulugan ng Epiko?

Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.

Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.

Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”

Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang epiko ng Biuag at Malana.

Buong Pagsusuri ng Biuag at Malana

Biuag at Malana (Epiko ng Cagayan) - Buong Pagsusuri
Biuag at Malana (Epiko ng Cagayan) – Buong Pagsusuri

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang Biuag at Malana halimbawa ng epikong Cagayan sakop ng Mindanao. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.

Summary o Buod ng Epikong si Biuag at Malana

Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan.

Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang pagmamahal sa isang magandang dilag.

Biuag at Malana (Buod ng Biuag at Malana – Epiko ng Cagayan)

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siya’y isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama.

Minsan siya ay nahulog ngunit hindi man lamang ito nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.

Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol.

May kakayahan siyang bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Biuag at Malana.” I-download upang mabasa ito offline.

Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng buod ng epikong si biuag at malana, tiyak na naintindihan na ninyo ang kabuuan ng epiko. Isa lamang ito sa mga magagandang epiko sa Mindanao.

Author o May-akda ng Biuag at Malana

Ayon sa aking paghahanap kung sino nga ba ang sumulat ng epikong ito. Aking natuklasan na si ex. Mayor Pedro Baligod ng Cagayan Valley ang orihinal na may-akda ng epiko.

Si Pedro Baligod ay ipinanganak noong 1870 sa Cagayan at namatay noong 1953 sa edad na 83.

Characters o Tauhan ng Biuag at Malana

Time needed: 1 day.

Narito ang mga characters o tauhan ng Biuag at Malana

  1. Biuag

    Si Biuag ay isang lalaking may tatlong bato sa kanyang leeg kung saan ito ang pinagmumulan ng kanyang kapangyarihan bilang regalo mula sa isang diyosa.

  2. Dalagang tubong Tuao

    Ang dalagang napupusuan ni Biuag.

  3. Malana

    Si Malana isang mabait na lalaki na likas na matalino na katulad ng kapangyarihang taglay ni Biuag.

  4. Diyosa

    Isang dyosa ang dumalaw kay Biuag at nagbigay ng tatlong maliliit na bato sa kanyang leeg.

Plot o Banghay ng Biuag at Malana

Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  • Isang araw, pagkatapos maisilang ni Biuag ng kanyang ina ay may isang dyosa ang dumalaw sa kanya. Ang kanyang ina ay humiling sa dyosa nabigyan ang anak ng mahabang buhay.
  • Nilagyan ng dyosa ang leeg ng bata ng tatlong maliliit na bato. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis.
  • Marami siyang kakayahan na talagang kamangha-mangha kung kaya siya ay dinadayo at sinasamba ng mga tao.
  • Ngunit, sa kabila ng kanyang kakayahan ay hindi pa rin masaya si Biuag. Mayron siyang iniibig na dalaga ng tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Walang nakakaalam kung sino ang naturang dalaga.
  • Gustuhin mang kalimutan ng binata ang dalaga ay hindi niya magawa. Isang araw ay may nakarating na balita sa kanya.
  • May isang binata rin na kagaya niyang maykakaibang kakayahan na nagngangalang Malana. Si Malana ay isang mabait na binata. Noong panahon ng gutom gumawa siya ng paraan upang maghanap ng pagkain.
  • Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Niño, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay. Marami na siyang dala sa kanyang paglalakbay.
  • Matapos niyang maipamahagi ang kanyang dala ay nagpasya siyang umuwi. Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito.
  • Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay Biuag.

Setting o Tagpuan ng Biuag at Malana

Narito ang tagpuan o setting sa epiko.

  • Ang epikong ito nagmula sa Cagayan sakop ng Mindanao.
  • Sa ilog, dito sinubukan ni Biuag na lumangoy sa tinirihan ng mga buwaya.
  • Sa ibang bayan sa Cagayan, dito niya natutunan niyang mahalin isang dalagang tubong Tua.
  • Sa Sto. Niño, dito lamang makakakuha ng pagkain sa oras ng gutom.

Konklusyon

Ang epikong ito ay isang magandang epiko sa Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na su Biuag at Malana.

Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.

Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Biuag at Malana (Epiko ng Cagayan) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment