BIDASARI – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang buong pagsusuri ng epikong Mindanao na pinamagatang “Bidasari.” Narito ang summary o buod, author, characters, plot at setting ng epiko ni Bidasari.
Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago tayo magbasa ng summary o buod, author, characters, plot at setting ng epiko ni bidasari, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.
Ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.
Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay. Isang magandang halimbawa nito ang Bidasari.
SEE ALSO : Indarapatra at Sulayman-Summary/Buod, Author, Characters, Plot, Setting
Buong Pagsusuri ng Bidasari Epiko

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang halimbawa ng epiko ito ay kwento ni bidasari. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Summary o Buod Ng Bidasari Epiko
Isa ito sa halimbawa ng epiko ng Mindanao na may buod na pinamagatang Bidasari na nagmula sa Mindanao, batay ito sa romansang Malay. Ang epiko ay tungkol sa napakagandang prinsesa na si Bidasari. Sa kwento ating matutunghayan kung paano nakaligtas si Bidasari sa pagmamalupit ni Lila Sari at nagpakasal sa Sultan.
Narito ang buod ng naturang epiko ni Bidasari.
Bidasari (Buod ng Bidasari – Epiko ng Mindanao).
Nagkakagulo sa kaharian ng Kembayat kapag ang garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao, ay sinasalakay sila.
Nang minsang sumalakay ang garuda, ang Sultan at Sultana ng Kembayat ay nagkahiwalay habang nagtatakbuhan kasabay ng maraming tao. Kasalukuyan noong nagdadalantao ang Sultana. Dahil sa labis na takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dala na rin marahil ng pagkalito, naiwan ng Sultana ang sanggol sa bangka sa may ilog.
Napulot ni Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian, ang sanggol. Pinangalanan niya itong Bidasari at itinuring na anak. Habang lumalaki ay lalong gumaganda si Bidasari at naging maligaya sa piling ng kinilalang magulang.
Si Sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari, isang babaeng maganda ngunit mapanibughuin at takot na umibig sa iba pang babae ang kanyang asawang Sultan. Palaging tinatanong ni Lila Sari si Sultan Mongindra kung siya’y mahal nito upang masigurado ang pag-ibig ng asawa.
Kahit palagi namang sumasagot ang Sultan na mahal niya si Lila Sari, hindi pa rin nasisiyahan ang babae…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong epiko ng “Bidasari.” I-download upang mabasa ito offline.
Batay sa mahabang pagtatalakay natin ng summary o buod ng epiko ni Bidasari, tiyak na naintindihan na natin ang kabuuan nito. Ang epikong ito ay magandang basahin at napupulutan pa ng aral.
Mababasa natin sa epiko ni Bidasari na labis ang pagmamahalan ng magkapatid sa isat-isa kung gaano sila katapang at kakisig. Dagdag pa rito, matutunghayan natin sa epikong ating binasa kung gaano binigyang buhay ng mga tauhan ang naturang epiko at nagbibigay aral din sa mga mambabasa.
Author o May-akda of Bidasari Epiko
Ang author o may-akda ng epikong Bidasari ay si Marlon Miguel naisulat noong 1965.
Si Marlon Miguel ang author o may-akda ng epiko. Isa siyang Palanca Award-winning Filipino writer. Nagtatrabaho siya sa GMA 7 bilang senior writer at brainstormer para sa mga TV soaps. Siya rin ang nagtatag ng Magwayen, isang organisasyon sa teatro na nakabase sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Characters o Tauhan Sa Bidasari Epiko
Time needed: 2 minutes.
Narito ang mga characters o tauhan sa epiko
- Bidasari
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento. Isang magandang dilag na iniibig ni Sultan Mongindra.
- Sultan Mongindra
Siya ang Sultan ng Indrapura at naging asawa ni Bidasari.
- Garuda
Isang malahiganteng ibon na mapaminsala dahil kumakain ng tao kung kaya lahat ay takot na takot dito.
- Sultan at Sultana ng Kembayat
Ang ama at ina ni Bidasari.
- Diyuhara
Isang mangangalakal mula sa kaharian ng Indrapura. Ang kumupkop at nagpalaki ka Bidasari.
- Lila Sari
Ang mainggiting Sultana ng kaharian ng Indrapura.
- Sinapati
Siya ang kapatid ni Bidasari.
- Anak ni Diyuhara
Ang sumama kay Sinapati upang makita nito ang nawawalang kapatid.
- Mga tauhan ng Sultanang si Lila Sari
Sila ang inutusan upang hanapin ang babaeng higit ang ganda sa kanya.
Plot o Banghay Ng Bidasari Epiko
Narito ang banghay o plot ng epiko na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Isang araw biglang nagkakagulo sa kaharian ng Kembayat kapag ang garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao, ay sinasalakay sila.
- Nang minsang sumalakay ang garuda, ang Sultan at Sultana ng Kembayat ay nagkahiwalay habang nagtatakbuhan kasabay ng maraming tao. Kasalukuyan noong nagdadalantao ang Sultana. Dahil sa labis na takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dala na rin marahil ng pagkalito, naiwan ng Sultana ang sanggol sa bangka sa may ilog.
- May nakapulot sa naiwang anak ni sultana ang pangalan ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian, ang sanggol. Pinangalanan niya itong Bidasari at itinuring na anak. Habang lumalaki ay lalong gumaganda ang prinsesa at naging maligaya sa piling ng kinilalang magulang.
- Si Sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari, isang babaeng maganda ngunit mapanibughuin at takot na umibig sa iba pang babae ang kanyang asawang Sultan. Palaging tinatanong ni Lila Sari si Sultan Mongindra kung siya’y mahal nito upang masigurado ang pag-ibig ng asawa.
- Kahit palagi namang sumasagot ang Sultan na mahal niya si Lila Sari, hindi pa rin nasisiyahan ang babae.
- Dahil sa kanyang takot na baka makakita ng mas magandang babae ang Sultan, inutusan niya ang kanyang mga tapat na utusan na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda kaysa sa sultana.
- Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda sa Sultana. Inanyayahan ni Lila Sari ang prinsesa sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng Sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ng Sultana sa isang silid at doon pinarurusahan.
- Labis na parusa ang inabot ng prinsesa sa Sultana kaya nang ito’y hindi na niya matiis, sinabi niya kay Lila Sari na kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik naman sa tubig. Dahil dito’y pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
- Isinuot nga ng Sultana ang kwintas na isdang ginto sa umaga kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw. Kapag ibinabalik naman sa tubig kung gabi ang kwintas ay nabubuhay si Bidasari.
- Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari kaya naman naisipan niyang magpagawa ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
- Isang araw ay nangaso si Sultan Mongindra sa gubat at nakita niya ang magandang palasyo. Ito’y nakasarado kaya’t pilit na binuksan ang pinto. Sa isang silid ay nakita niya ang isang magandang babae, si Bidasari. Ngunit hindi niya ito magising upang makausap.
- Kinabukasan ay bumalik ang Sultan at matiyagang naghintay hanggang gabi. Nagising si Bidasari at ipinagtapat nito sa Sultan ang ginawa sa kanya ni Lila Sari. Galit na galit ang Sultan kaya iniwan niya ang kanyang asawa at pinakasalan si Bidasari.
- Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang supling na ang pangalan ay Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng Sultan at Sultana ng Kembayat.
- Kamukhang-kamukha ni Sinapati si Bidasari. Ibinalita ng anak ni Diyuhara kay Sinapati ang tungkol kay Bidasari. Tinanong ni Sinapati sa mga magulang kung mayroon daw ba silang nawawalang anak. Nang malaman ang katotohanan ay agad na hinanap ni Sinapati ang nawaalang kapatid.
- Nagpunta sila sa kaharian ng Indrapura at doon nakita si Bidasari. Namangha ang magkapatid dahil magkamukhang-magkamukha nga sila. Dahil dito’y nalaman din ni Sultan Mongindra na ang kanyang pinakasalan pala ay isang tunay na prinsesa.
Setting o Tagpuan Ng Bidasari Epiko
Narito ang tagpuan o setting sa epiko
- Ang epiko ng Bidasari ay mula sa Mindanao na batay sa romansang Malay.
- Sa kaharian ng Kembayat dito nangyari ang pagsalakay ng garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao
- Sa may tabi ng ilog dito naisilang ni Sultana ang sanggol na babae.
- Sa palasyo dito inanyayahan ni Lilasari si Bidasari at ito ay ikinulong at doon pinarurusahan.
- Sa gubat dito nagpatayo magandang palasyo si Diyuhara para kay Bidasari.
- Sa kaharian ng Indrapura dito nakita si Bidasari ng kanyang mga tunay na magulang.
Konklusyon
Ang epikong ito ay isang magandang epikong-bayan ng Mindanao. Umiikot ang epiko sa buhay ng pangunahing tauhan na si Bidasari. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Ang epikong ito ay nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideyang maging mabuti sa ibang tao at huwag gumawa ng masama laban sa iba. Dahil hindi mo alam ang kahihinatnan ng iyong masamang ginawa sa ibang tao.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Bidasari (Epikong Mindanao) – Buong Pagsusuri,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.