BIDASARI SETTING – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang setting o tagpuan ng Bidasari Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago natin alamin ang setting o tagpuan sa Bidasari, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Bidasari.
Setting o Tagpuan Bidasari sa Tagalog

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang mga halimbawa ng epiko. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Bidasari Setting o Tagpuan Sa Tagalog
Narito ng tagpuan o setting sa epiko na may pamagat na Bidasari epiko ng Mindanao.
- Ang epiko ng Bidasari ay mula sa Mindanao na batay sa romansang Malay.
- Sa kaharian ng Kembayat dito nangyari ang pagsalakay ng garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao
- Sa may tabi ng ilog dito naisilang ni Sultana ang sanggol na babae.
- Sa palasyo dito inanyayahan ni Lilasari si Bidasari at ito ay ikinulong at doon pinarurusahan.
- Sa gubat dito nagpatayo magandang palasyo si Diyuhara para kay Bidasari.
- Sa kaharian ng Indrapura dito nakita si Bidasari ng kanyang mga tunay na magulang.
Konklusyon
Sa mga duog na ito naganap ang mga mahahalagang pangyayari na tinatawag nating Bidasari setting o tagpuan. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa epikong “Bidasari Setting o Tagpuan Tagalog,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Setting of Indarapatra at Sulayman o Tagpuan sa Tagalog
- Bantugan Author
- Bantugan Characters
- Plot of Bantugan
- Setting of Bantugan
We are Proud Pinoy.