BIDASARI PLOT – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang plot o banghay ng Bidasari Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon.
Bago natin alamin ang plot o banghay ng epikong Bidasari, alamin muna natin kung ano ang kahulugan ng Epiko?
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”
Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Bidasari.
Plot o Banghay sa Epikong Bidasari Tagalog

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang mga halimbawa ng epiko. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.
Plot o Banghay ng Bidasari Tagalog
Narito ang banghay o plot ng Bidasari na siyang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Isang araw biglang nagkakagulo sa kaharian ng Kembayat kapag ang garuda, isang ibong mapaminsala at nangangain ng tao, ay sinasalakay sila.
- Nang minsang sumalakay ang garuda, ang Sultan at Sultana ng Kembayat ay nagkahiwalay habang nagtatakbuhan kasabay ng maraming tao. Kasalukuyan noong nagdadalantao ang Sultana. Dahil sa labis na takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dala na rin marahil ng pagkalito, naiwan ng Sultana ang sanggol sa bangka sa may ilog.
- May nakapulot sa naiwang anak ni sultana ang pangalan ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian, ang sanggol. Pinangalanan niya itong Bidasari at itinuring na anak. Habang lumalaki ay lalong gumaganda si Bidasari at naging maligaya sa piling ng kinilalang magulang.
- Si Sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari, isang babaeng maganda ngunit mapanibughuin at takot na umibig sa iba pang babae ang kanyang asawang Sultan. Palaging tinatanong ni Lila Sari si Sultan Mongindra kung siya’y mahal nito upang masigurado ang pag-ibig ng asawa.
- Kahit palagi namang sumasagot ang Sultan na mahal niya si Lila Sari, hindi pa rin nasisiyahan ang babae.
- Dahil sa kanyang takot na baka makakita ng mas magandang babae ang Sultan, inutusan niya ang kanyang mga tapat na utusan na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda kaysa sa sultana.
- Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda sa Sultana. Inanyayahan ni Lila si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng Sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ng Sultana sa isang silid at doon pinarurusahan.
- Labis na parusa ang inabot ni Bidasari sa Sultana kaya nang ito’y hindi na niya matiis, sinabi niya kay Lila Sari na kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik naman sa tubig. Dahil dito’y pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
- Isinuot nga ng Sultana ang kwintas na isdang ginto sa umaga kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw. Kapag ibinabalik naman sa tubig kung gabi ang kwintas ay nabubuhay si Bidasari.
- Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari kaya naman naisipan niyang magpagawa ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
- Isang araw ay nangaso si Sultan Mongindra sa gubat at nakita niya ang magandang palasyo. Ito’y nakasarado kaya’t pilit na binuksan ang pinto. Sa isang silid ay nakita niya ang isang magandang babae, si Bidasari. Ngunit hindi niya ito magising upang makausap.
- Kinabukasan ay bumalik ang Sultan at matiyagang naghintay hanggang gabi. Nagising si Bidasari at ipinagtapat nito sa Sultan ang ginawa sa kanya ni Lila Sari. Galit na galit ang Sultan kaya iniwan niya ang kanyang asawa at pinakasalan si Bidasari.
- Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang supling na ang pangalan ay Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng Sultan at Sultana ng Kembayat.
- Kamukhang-kamukha ni Sinapati si Bidasari. Ibinalita ng anak ni Diyuhara kay Sinapati ang tungkol kay Bidasari. Tinanong ni Sinapati sa mga magulang kung mayroon daw ba silang nawawalang anak. Nang malaman ang katotohanan ay agad na hinanap ni Sinapati ang nawaalang kapatid.
- Nagpunta sila sa kaharian ng Indrapura at doon nakita si Bidasari. Namangha ang magkapatid dahil magkamukhang-magkamukha nga sila. Dahil dito’y nalaman din ni Sultan Mongindra na ang kanyang pinakasalan pala ay isang tunay na prinsesa.
Konklusyon
Ang mga pangyayari sa Bidasari ay pinagkakasunod-sunod o tinatawag nating plot o banghay upang lalo nating maiintindihan ang mga panyayari sa epikong ito.
Ang epikong ito ay umiikot sa buhay ng pangunahing tauhan na magbibigay inspirasyon sa bawat mambabasa. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.
Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahinasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Setting of Indarapatra at Sulayman o Tagpuan sa Tagalog
- Bidasari (Epikong Mindanao)
- BidasariSummary
- Bidasari Author
- Bidasari Characters
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa epikong “Bidasari Plot o Banghay Tagalog,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
We are Proud Pinoy.