Bidasari Characters o Tauhan Tagalog

bidasari CHARACTERS  – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang characters o mga tauhan sa epikong Bidasari Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na nagpasalin-salin ng mga epiko hanggang sa ngayon. Marahil ay napatanong ka sa iyong sarili kung sino si Bidasari batay sa Epikong Mindanao?

Ang kasagutan sa inyong mga katanungan ay nasa ibaba lamang. Bago natin alamin kung sino ang characters o mga tauhan sa epikong Bidasari, alamin muna natin ang kahulugan ng epiko.

Ano ang kahulugan ng Epiko?

Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong etniko na kilala bilang isang panulaang etniko gamit ang makalumang pananalita.

Ang karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito, maaaring tumutukoy rin ito kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.

Ang mga kwentuhang epiko mula pa noong unang panahon ay punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Dagdag pa rito, ang epiko ay galing sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugan “awit.”

Hinango din sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Sa ngayon ito ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan ng mga tauhan. Isang magandang halimbawa nito ang Bidasari.

Characters of Bidasari o Tauhan sa Tagalog

Bidasari Characters o Tauhan Tagalog
Bidasari Characters o Tauhan Tagalog

Matapos ang mahabang eksplinasyon ng kahulugan ng epiko sa Filipino, narito na ang mga halimbawa ng epiko. Dagdag pa rito, ang kwentong bayan na ito ay nagpapakita ng matatalinhagang kaganapan na nagpapakita ng kabayanihan.

Bidasari Characters o Tauhan sa Tagalog

Time needed: 2 minutes.

Narito ang mga characters o mga tauhan sa epikong bidasari

  1. Bidasari

    Isang magandang dilag na iniibig ni Sultan Mongindra.

  2. Sultan Mongindra

    Siya ang Sultan ng Indrapura at naging asawa ni Bidasari.

  3. Garuda

    Isang malahiganteng ibon na mapaminsala dahil kumakain ng tao kung kaya lahat ay takot na takot dito.

  4. Sultan at Sultana ng Kembayat

    Ang ama at ina ni Bidasari.

  5. Lila Sari

    Ang mainggiting Sultana ng kaharian ng Indrapura.

  6. Sinapati

    Siya ang kapatid ni Bidasari.

  7. Anak ni Diyuhara

    Ang sumama kay Sinapati upang makita nito ang nawawalang kapatid.

  8. Mga tauhan ng Sultanang si Lila Sari

    Sila ang inutusan upang hanapin ang babaeng higit ang ganda sa kanya.

Sino si Bidasari batay sa Epikong Mindanao?

Si bidasari ay ang pangunahing tauhan sa epiko ng Mindanao na pinamagatang Bidasari na nagmula sa mga Malay. Isa itong tunay na prinsesa na nawalay sa kanyang tunay na mga magulang. Ang kanyang mga magulang ay ang sultan at sultana sa Kembayat.

Inaalagaan siya ni Diyuhara at tinuring na tunay na anak. Si Bidasari ay isang dalaga na may taglay na kagandahan at nakabighani o nagpaibig sa puso ni Sultan Mongindra.

Ang epiko ay umiikot sa kagandahan ni Bidasari at dahil sa kanyang angking ganda ay may naiinggit na isang Sultana na si Lila Sari. Maaari mong basahin ang buod o summary ng epikong Bidasari, upang lalong maunawan ang kwento ni Bidasari.

Konklusyon

Ang characters o mga tauhan sa epikong Bidasari ay magbibigay sa atin ng inspirasyon dahil ang epikong ito ay may mga tauhan na may taglay na kakaibang katangian sa kwento. Mahiwaga ang lahat ng mga kaganapan na ating natunghayan. Isa itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang ating imahenasyon.

Dagdag pa rito, ang epikong ito ay mayroong magagandang aral na makukuha ayon sa mga katangian ng mga tauhan. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at palawakin ang inyong mga imahenasyon. Maging mapang-usisa at alamin ang epiko ng iyong bansa.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa epikong “Bidasari Characters o Tauhan Tagalog” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment