Tekstong Argumentatibo Kahulugan At Halimbawa

TEKSTONG ARGUMENTATIBO – Ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng tekstong argumentatibo? Sa paksang ito, ating tatalakayin at sasagutin ang inyong mga katanungan tungkol dito.

Nawa ay inyong basahin ang buong artikulong ito dahil naglalaman ito ng lahat ng inyong kailangan malaman tungkol sa tekstong argumentatibo. Halina’t tunghayan ang mga halimbawa ng tekstong argumentatibo at ang kahulugan nito.

Tekstong Argumentatibo Kahulugan At Halimbawa
Tekstong Argumentatibo Kahulugan At Halimbawa

Ngayon, atin ng talakayin kung ano ang tekstong argumentatibo kahulugan at ang mga halimbawa nito na kailangan ninyong malaman.

Ano ang Tekstong Argumentatibo?

Ang tekstong argumentatibo ay tumutukoy sa mga pangangatuwiran tungkol sa isang importante o mahalagang isyu na nangyayari. Ito ay may layuning magbigay ng patunay sa isang argumento sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan at kapani-paniwalang ebedensiya.

Dagdag pa rito, ito ay ang pagbibigay katwiran o pananaw at paniniwala tungkol sa isang mahalagang isyu. Ito ang klase ng argumento na kailangan maging malinis, maayos at nasa konkretong pamamaraan.

Ang mga ideya, datus at impomasyon tungkol sa mahalagang isyu o paksa upang maniwala at mahikayat ang mga mambabasa mga tagapakinig.

Mga halimbawa ng Tekstong Argumentatibo

Narito ang ilan sa mga sulatin na ginagamitan ng tekstong argumentatibo

  • Tesis — ito ay may layuning ihikayat ang mambabasa pa tungkol sa isang problema at kung paano ito mabibigyan ng solusyon. Kadalasan, ito’y dumadaan sa isang lupon o panel at dapat itong ipaglaban.
  • Posisyong Papel — ito ay isang uri ng salaysay na may layuning ipahayag ang mga saloobin tungkol sa isang isyu at ito ay nakatuon sa paksang entidad or partido pulitikal.
  • Papel na Pananaliksik — ito ay isang anyo ng akademikong pagsusulat upang mahanap ang tamang impormasyon tungkol sa isang paksa.
  • Editoryal — ito ay nababasa karaniwan sa bahaging editoryal ng mga magasin at dyaryo.
  • Petisyon — ito ay isang pormal na kahilingang sulat nang isang tao upang manawagan sa isang may kapangyarihan para sa isang dahilan.
  • Debate — ito ang pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas kagaya ng Balagtasan

Mga Akda ng Tekstong Argumentatibo

May mga taong pabor at hindi pabor sa paksa o sa mga mahahalang usapin o isyu na nangyayari sa ating bansa. Ang bawat isa ay mayroong karapatan na magsalita o magbahagi ng kanilang opinyon kung kaya minsan ay nagdudulot ito ng malaking argumento.

Ang mga sumusunod ay ang ilan lamang sa mga halimbawang paksa ng tekstong argumentatibo.

Droga sa kabataan

Ang droga sa kabataan ang isa sa pinakamalaking problema ng ating bansa na kailangan masolusyunan. Isa ito sa sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan na kailangan maagapan ng pamahalaan. Dahil sa drogang ito marami ang namamatay, napipinsala at maraming karahasan ang patuloy na lumalaganap.

Nakikita at naririnig natin ito sa telebisyo at sa radyo ang tungkol sa mga balitang ito. Sa kabilang banda mayroon din itong magandang naidudulot sa katawan ayon siyensiya ngunit huwag lamang abusuhin ang paggamit nito. Huwag gumamit ng droga upang malayo sa kapahamakan.

Bakuna para sa COVID-19

Ang bakuna para sa COVID-19 ay naging problema ng ating pamahalaan dahil marami ang ayaw at hindi sumasang-ayon sa ganitong proseso. Ngunit, kalaunan ay walang nagawa ang mga mamamayan dahil kinakailangan ito laban sa virus na lumalaganap sa bansa. Ito ay upang maprotektahan ang bawat tao laban sa virus na nagdudulot ng kamatayan.

Same sex marriage

Ang same sex marriage ay nagkaroon din ng mainit na argumento sa buong bansa, hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit sa buong mundo. Dahil maraming kasimbahanan ang batok o tutul dito, may mga taong payag pero mas marami ang hindi.

Sa ngayon ang ibang bansa ay mayroon nito, ngunit ang panukalang batas na ito sa Pilipanas ay hindi pumasa sa kongreso. Ang Family Code ng Pilipinas ay tumutukoy lamang sa pag-aasawa sa pagitan ng “lalaki at babae.”

Pagiging legal ng diborsyo sa Pilipinas

Ang pagiging legal ng diborsyo sa Pilipinas ay hindi pa rin sinasang-ayunan ng kongreso ang nasabing panukalang batas. Dahil hindi sang-ayon ang simbahang Katoliko rito. Mayroong pabor dito at mayroon din namang hindi at nagkaroon ito ng mainit na usapin dahil labag ito sa doktrina ng simbahan. Kaya hanggang sa ngayon tanging Pilipinas lamang ang walang legal na diborsyo.

Nararapat na ipagbawal ang paninigarilyo sa publiko

Ang usaping nararapat na ipagbawa ang paninigarilyo sa publiko ay isa rin sa naging problema ng bansa. Dahil marami ang hindi pa rin sumusunod sa patakarang ito. May mga lugar dito sa Pilipinas na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar. Mayroon din namang hindi sumusunod dito.

Marami ang hindi sang-ayon dito at marami rin ang sang-ayon o pabor dito. Dahil ang paninigarilyo ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan at nagpapaikli ito ng bugay ng isang tao. Kilala dito ang pagkakaroon ng kancer sa baga. Ngunit, hanggang ngayon ay marami parin ang matitigas na ulo at nagkakaroon ito ng malaking argumento.

Kaya ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar dahil mas malaking peligro ang makukuha ng taong makakalanghap ng usok kumpara sa gumagamit nito. Kaya kung maari huwag ng manigarilyo upang magkaroon ng mahabang buhay.

Isyu ng West Philippine Sea

Ang tungkol sa isyu ng west Philippine Sea naman nagdulot din ng malaking ingay sa buong bansa. Dahil sa nakitang malalaking barko ng China, ang nagkukumpulan sa pagmamay-ari ng Pilipinas.

Sa termino ito ni pangulong Duterte, sa kabila ng pagtulong ng China sa ating bansa, sa pagbibigay ng bakuna hindi pa rin ito kinakalimutang ng pangulo. Kaya Nagreklamo ang Pilipinas kontra sa China at pinaboran naman ng arbitral tribunal ang Pilipinas kung saan ibinasura nito ang “Historic” at “Sovereign claim” ng China sa halos buong South China Sea gamit ang teorya nitong nine-dash line.

Papapatupad ng Programang (K-12) bilang isang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

Dito naman sa papapatupad ng Programang (K-12) bilang isang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas. Nagkaroon ito ng malaking debate at marami ang umapela dito. Marami ang pabor at marami rin naman ang hindi pabor.

Ibat-ibang dahilan ang mayroon ang bawat isa. Subalit sa huli ay naipatupad din ang panukalang batas. Kaya wala ng nagawa ang mamamayan kundi sumunod na lamang sa naturang batas.

Mga Paraan ng Pangangatwiran

Ang mga sumusunod ay ang mga paraan ng pangangatuwiran sa tekstong argumentatibo

  • Pagsusuri
  • Pagtukoy sa mga Sanhi
  • Pagbuod
  • Pasaklaw

Konklusyon

Ngayon, alam mo na kung ano ang tekstong argumentatibo kahulugan, halimbawa at mga paraan nitoSana ay inyo itong ibahagi sa iba upang magkaroon sila ng malawak na kaalaman tungkol sa paksang ito.

Ang tekstong argumentatibo ay tumutukoy sa mga pangangatuwiran tungkol sa isang importante o mahalagang isyu na nangyayari.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa sa artikulong ito. Nawa ay mayroon kayong natutunan sa araling ito. Kaya, hinihikayat ko kayong magbasa at mag-aral tungkol sa ibat-ibang aralin.

Mga katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Tekstong Argumentatibo Kahulugan At Halimbawa,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para sa iba pang Karagdagang Aralin

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment